Tuesday, January 13, 2015

Ano ang Original Sin?



Alam natin na ang kasalanan  nina  Adam at Eva ay ang pagkain ng prutas na pinagbabawal ng Diosna kainin, hindi pa rin po yun ang Original Sin na matatawag lalalim pa tayo ng kunti sa pag-aaral  kung paano nag-umpisa. Alamin muna natin kung ano ang kahulugan ng salitang "Original":

ORIGINAL
- present or existing from the beginning; first or earliest.

Etymology
From Middle English original, from Old French original, from Late Latin originalis (“primitive, original”), from Latin origo (“beginning, source, origin”);

Sa madaling sabi kauna-unahan o first, ngayon sino ba ang original o first man?...basa po tayo:
1Co 15:45  Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam ay naging espiritung nagbibigay buhay.


Si Adam ang original o unang tao wala ng nauna pang tao sa kanya  kaya siya ang nakagawa ng original sin. Ano yung original sin o kauna-unahang kasalanang ginawa ng unang taong si Adam?..basa po tayo:

Gen 3:17 
At kay Adam ay sinabi, Sapagka't iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;



Ayan po ang kauna-unahang kasalanan ay ang kanyang (Adam) pakinig ay inalis niya sa Dios at nakinig sa iba kaya sinumpa ang lupa dahil sa kanya. Dati siyang nakikinig sa mga instruction ng Dios gaya ng inutusan siyang bigyan ang bawat hayop ng sari-sariling pangalan at kanyang sinunod  pero binaling niya ang kanyang pakinig  sa kanyang asawa. Inutusan kasi siya ng Dios ng ganito...basa po tayo:

Gen 2:16  At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan:
Gen 2:17  Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.


Ng umpisa talagang nakikinig si Adam sa Dios pero ng nagkaroon siya ng asawa na nadaya naman ni Satanas ay nakinig siya at  nakumbinseng kumain ng prutas mula sa pinagbabawal ng Dios..sa kabila ng alam niyang bawal ito ay sinunod niya pa rin ang kanyang asawa sa halip na manatili sa instruction ng Dios.

Pareho silang nagkasala subalit  ang gravity o bigat ng kasalanan ay nakaatang kay Adam dahil siya ay hindi nadaya kundi si Eva ang nadaya at nahulog sa pagsalangsang:

1Ti_2:14  At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang;

Ngayon alam na natin ang Original Sin ito  ay NG  ALISIN NI ADAN ANG KANYANG PAKINIG SA DIOS AT NAKINIG SA IBA..na nagbunga  ng disobedience niya sa Dios at  sinumpa ang lupa dahil kasunod ay ang   pagpaalis sa Garden of Eden.

Ang aral na ating natutunan ay huwag tayong laging makinig sa asawa kahit na mali ay susundin natin tingnan niyo ngyari kay Adan nakinig sa kanyang asawa at sila ay napahamak.



Ang concept na dapat binyagan ang mga sanggol kasi  may original sin ay wala sa diwa ng Biblia kahit verbatim walang nakasulat na word na ORIGINAL SIN.

Kung sasabihin natin na ang sanggol may original sin mamali  kasi  paano makikinig ang sanggol sa kanyang asawa eh! wala pa naman siyang asawa nasa tiyan pa nga lang siya ng kanyang ina...paano  kung baby girl  paano yun mangyayari..kaya hindi yun Biblical at against sa Bible.


Salamat sa Dios!

No comments:

Post a Comment