Tuesday, January 27, 2015

Sa Biyaya Kayo'y Nangaligtas? Ano ang Kahulugan?


Siguro naman po lagi niyong naririnig sa mga bornagain sects atbp. na namumutawi sa kanila ang salitang  "Amazing Grace" binigyan nila ng sariling interpretasyon ang Efeso 2:8 na ang tao pag tinanggap ang Panginoong  Hesus ay ligtas na at hindi na mawawala yung kaligtasan na yun...sa BIYAYA KAYO AY NANGALIGTAS.


Eph 2:8  Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;...


Alamin natin ang  ginagamit nilang termino na NALIGTAS  kung saan naligtas, kasi paniwala nila sa verse  naligtas na sa kaparusahan na darating sa paghuhukom o hindi na hahatulan pa kasi ligtas na. Suriin natin kung tama nga ang kanilang pakahulugan. Nang hindi pa natin nakilala ang Panginoong Hesus ano ba ang kalagayan natin?


Eph 2:1  At kayo'y binuhay niya, nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,

Ayon sa talata KAYO"Y BINUHAY NIYA ibig sabihin sila ay PATAY noon dahil sa ag pagsalangsang at mga kasalanan pero binuhay Niya kaya naligtas sila ng panahon na yun. Ano ba ang ibig sabihin ni Apostol Pablo sa sinabi niya sa talata? Paano ba yaong mga kausap niya sa verse naligtas?

Eph 1:13  Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako,


Ang ARAL NG KALIGTASAN ang EVANGELIO NG KALIGTASAN yun ang nagligtas ng sila ay patay dahil sa kasalanan. Ano yung Aral ng Evagelio?
basa po tayo...


2Co 4:4  Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.

Ang EVANGELIO ay ang maliwanag na ARAL  subalit hindi ito lumiliwanag sa mga taong nabulag ni satanas. Iniligtas tayo ng Aral ng Evangelio na nagbigay sa atin ng kaliwanagan ng tayo ay nasa kadiliman. Saan ba tayo naligtas? Sa walang hanggang parusa ba kaya kahit anong gawin ay ligtas na dahil hindi nawawala ang kaligtasan? ..basa po tayo:

Col 1:12  Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan;
Col 1:13  Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig;

Ayon naman pala naligtas tayo sa KAPANGYARIHAN NG KADILIMAN at hindi sa kaparusahang darating ang dahilan ay ang kaliwanagan ng Aral ng Evangelio na nagbigay liwanag sa atin ng tayo ay nasa kadiliman pa. Literally ang liwanag ay makakapagligtas sa panahong madilim, halimbawa blackout at gusto mo bumaba ng hagdanan kapag wala kang dalang ilaw at dere-deretso ka bumaba ay ma-aaksidente ka pero pag may dala kang kandila na liliwanag sa daraanan mo hindi ka mahuhulog.

Ang mga unang Kristiyano ay naligtas hindi sa parusa na darating dahil buhay pa naman sila  noon, wala pa namang sa paghuhukom ng sinabi sa kanila ni Apostol Pablo na sila ay NALIGTAS.
Ang tinutukoy ni Apostol Pablo na sila ay NALIGTAS ay naligtas sa Kapangyarihan ng Kadiliman gaya ng nasusulat sa Col. 1:12-13 at hindi kaligtasan na forever save gaya ng naniniwala sa One Saved Always Saved.

Ang naligtasan ng mga Kristiyano ay ang KAPANGYARIHAN NG KADILIMAN...kaya nga ang sabi " SA BIYAYA KAYO'Y NANGALIGTAS...past tense. Dahil sa liwanag ng Aral ng Evagelio nabuhay sila mula sa patay kasi noon namuhay sila sa kapangyarihan ng  kadliman.

Eph 5:14  Kaya sinasabi niya, Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo.

Maliligtas ang tao sa Kapangyarihan ng Kadiliman kung tayo ay liliwanagan ng Panginoong Hesus, ang sinasabi ng Apostol Pablo na ang mga Kristiyano ng una ay naligtas hindi sa kanilang sariling gawa kasi  ng sila ay nasa kapangyarihan ng kadiliman wala silang ginagawang mabuti noon..yung gawa nilang sa sarili yun ay hindi nakapagligtas sa kanila.

Click Here: Kailangan Ba ang Gawa sa Kaligtasan?


 Kundi dahil sa Awa ng Dios,  sa Biyaya ng Dios nabuhay sila mula sa mga patay, naliwanagan ng Panginoon, naligtas sila sa kasalanan pero hindi ibig sabihin one save always saved dahil kahit naliwanagan kana naligtas na sa kapangayarihan ng kadiliamn..eh! pag sinadya mo ng sinadya na gumawa ng kasalanan ano mangyayari?

Heb 6:5  At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating,
Heb 6:6  At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.

Ayon sa talata wala ng kaligtasan yaong mga tao naliwanagan na , naligtas sa kapangyarihan ng kadiliman tapos bumalik sa dilim na kahit magsisi pa  hindi na sila  muling maaring baguhin ng pagsisisi.

Patunay lang na hindi totoo ang aral na One Saved Always Saved..ang taong sumapalataya sa Panginoong Hesus ay naligtas sa kapangyarihan ng kadiliman dahil naliwanagan ng Aral ng Evangelio.

Ano ba  mangyayari sa tao  kapag umalis na sa kadiliman at ginusto pang bumalik sa dilim?


2Pe 2:20  Sapagka't kung, pagkatapos na sila'y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una.
2Pe 2:21  Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.
2Pe 2:22  Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, Nagbabalik na muli ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.

Layasan niyo po ang paniniwalang OSAS baka dalhin po kayo niyan sa impierno. Imagine, logic nila kahit bumalik ka pa sa kadiliman..ligtas parin, kahgit anong gawin ligtasa pa rin, hindi daw nawawala ang kaligtasan.  Maliwanag sa Biblia kahit naliwanagan kana tapos babalik ka pa sa kadiliman wala ng kaligtasan...parang aso at baboy ayon kay Apostol Pablo ang mga taong ganun.

Naunawa na natin ngayon kung ano ang kahulugan ng sinasabing KAYO'Y NANGALIGTAS..naligtas sa Kapangyarihan ng Kadiliman matapos na  naliwanagan ng ARAL at hindi ligtas sa future o sa Impierno. At para tayo ay tuloy-tuloy na ligtas hanggang paghuhukom dapat manatili tayo sa Aral ng Evagelio huwag tayong humiwalay sa Dios, huwag tayong gumaya sa aso na bumalik sa sariling suka at baboy na lulubalob sa pusali. Magtiis po tayo hanggang wakas.

Mat_24:13  Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.

Salamat sa Dios!


2 comments:

  1. Ang Tao po bang hndi ma bautismohan ay wla ng pagasa maligtas

    ReplyDelete
  2. Ang Bautismo ang hnd nakakapaglitas.. ito ay pagsunod sa utos ng Diyos ito ay simisimbulo na tayo ay nakikiisa sa kanyang pagkamatay, pagkalibing, at muling pagkabuhay sa ikatlong araw.. Ang tunay na kaligtasan ay sa Diyos LAMANG hnd relegion or pagbautismo... Basahin mo ang John 14:6 at John 1:12

    ReplyDelete