Friday, February 6, 2015

Nakatalaga naba ang Kapalaran ng Lahat ng Tao?


Karamihan sa mga taong hindi pa nakakaalam talaga ng katuwiran ng Biblia ay naniniwala sa predestination ng kapalaran ng tao o yung sabi nila kapag tinakda na mahirap ang isang tao ay wala na siyang magagawang baguhin ito  kahit anong  gawing  pagsisikap daw ay magiging mahirap hanggang kamatayan. Alamin natin ngayon kung totoo ba na ang kapalaran ng lahat ng tao ay naitakda na ng Dios o bunga lamang ng kakulangan sa pag-aaral ng salita ng Dios.


Ang sagot po ay hindi lahat ng tao ay nakatakda na ang kapalaran, ulitin ko po HINDI LAHAT NG TAO, HINDI LAHAT.  Kasi may mga special na tao ang naitakda ng Dios na kapalaran at ito ay ang Kanyang mga lider na Mangangaral at mga Propeta. Pero tatalakayin natin yan kung bakit binukod sila ng Dios sa ibang tao kung  ang pag-uusap ay kapalaran.

Tayong mga hindi naman mga piniling Lider ng Dios o mga ordinaryong tao tayo po ang gumagawa ng ating kapalaran. Pinagkalooban tayo ng Dios na mamili kung gusto nating mapabuti ay mapapabuti tayo pero kung piliin naman ang masama ay magiging masama tayo pero sa kabila ng binigyan tayo ng freewill  nagbigay pa rin ng advice ang ating Dios na piliin natin ang mabuti...ang buhay:


Deu_30:19  Aking tinatawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa inyo sa araw na ito, na aking ilagay sa harap mo ang buhay at ang kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa; kaya't piliin mo ang buhay, upang ikaw ay mabuhay, ikaw at ang iyong binhi;

Kaya maling-mali yung iniisip ng ilan na meron ng itinakda ang Dios sa lahat ng tao na magiging ano siya sa future gaya ng paniwala ng iba na kaya may mahirap o mayaman ay dahil yun na ang naitalaga sa kanila. Merong freewill ang tao na  mamili kung ano ang kanilang gusto niyang kabuhayan kahit mahirap lang halimbawa pwedeng yumaman kung gugustuhin niya maging masipag. Ganun din kahit pa mayaman  ng ipinanganak dahil milyonaryo  ang magulang ay pwedeng maging dukha kung pipiliing maging tamadsa atin..basa po tayo:


Pro 10:4 
Siya'y nagiging dukha na gumagawa ng kamay na walang kasipagan: nguni't yumayaman ang kamay ng masipag.



 Ang tao ang nagpaplano o kumakatha ng kanyang kapalaran dahil meron tayong freewill na regalo ng Dios at na sa atin kung paano natin ito gagamitin ng tama. Wala pong predestination na nakatalaga sa lahat ng tao  kundi tayo ang lumilikha ng ating destinasyon kung gusto natin mapunta sa langit ay pwede mangyari yun at kung piliin natin ang ma-impierno ay pwede ring mangyari yun.

Pro 16:9  Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang.


Ayon sa talata ang puso ng tao ang kumakatha ng kanyang lakad ibig lamang sabihin na  ang buhay natin pwede nating i-plano...tayo ang architect ng ating kinabukasan  binigyan tayo ng freedom na planuhin ang ating kapalaran at ang Dios ang nag-tutuwid ng ating hakbang kung tayo ay maka-Dios at piliin nating sumunod sa Kanya ay itutuwid niya tayo. Halimbawa kung piliin natin sundin ang kalooban ng Dios  iga-guide  Niya ang ating hakbang para matamo yung minimithi na kapalaran basta ilagak lang natin ang  tiwala sa magagawa ng Dios sa ating buhay.

Salamat sa Dios!

No comments:

Post a Comment