Tuesday, January 20, 2015

Totoo ba ang Belief na Faith Alone Saves?

 Wala pong mababasa sa Biblia na terminong FAITH ALONE SAVES na paniwala ng mga Bornagain Sects  na kapag nakikilala ng tao  ang Panginoong Hesus at sumampalataya sila ay sapat na yun para maligtas. Ang tunay na Faith sa Biblia ay may kasamang GOOD WORKS  ibig sabihin hindi sapat ang  FAITH ALONE...basahin po natin ang patunay:


1Co 13:1  Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa't wala akong pagibig, ay ako'y naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw.
1Co 13:2  At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa't mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa't wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan.



Nabasa  niyo po ang sinasabi ng Apostol Pablo kahit magkaroon pa siya ng BUONG PANANAMPALATAYA , prophecy, pagkaalam ng mysteries ay hindi pa rin sapat kung wala siyang pag-ibig. Hindi po ordinaryong faith ang tinutukoy niya kundi kahanga-hangang panananampalataya  pa nga na makakapagpalipat ng bundok pero ang sabi niya wala pa rin siyang kabuluhan. Sa talata pa lang na yan pinabubulaanan na ang paniniwalang FAITH ALONE SAVES..mali talaga yan kasi ang FAITH  ay dapat  kasama ang GOOD WORKS na pinapagawa ng Dios sa Kanyang mga lingkod :

Jas 2:22  Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at sa pamamagitan ng mga gawa ay naging sakdal ang pananampalataya;



Ang ka-kumpletuhan at kasakdalan  ng FAITH  ay sa pamamagitan ng  WORKS dahil ang gawa pala  ang nagpapa-perpekto sa faith kaya kung walang  works hindi yun matatawag na faith dahil  ang tunay na faith kasama ang works therefore hindi dapat tawagin na Faith alone kasi may kasama ang Faith..nakuha nyo po ang punto.

Tama naman po na ang faith ay primary steps para maglingkod sa Dios yan ang unang-una   tatanggapin ng tao  ang  faith pero hindi dun natatapos sa faith alone lang...basa po tayo



1Co 13:13  Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.


Nabasa nyo naman po hindi pa nga Faith ang tinawag na greatest sa tatlong  essence ng salvation na binanggit ni Apostol  Pablo kundi ang LOVE. Ang mahalagang bagay na dapat na nasa puso natin at isip sa paglilingkod ay ang talong ito at ang dakila ay pag-ibig..kahit na sabihin pa natin na ang faith ang dapat unang matanggap pero hindi pa rin sapat yun hindi yun dapat alone may mga kasama po yun ayon sa talata.

Ang masasabi natin isang maling paniniwala po yan na itinatawid ng mga pastors sa kanilang members na FAITH ALONE SAVES...hindi po yan Biblical. Mag-suri pa po tayo mga readers..isama nyo po ang aming samahan sa inyong pagsaliksik.



Salamat sa Dios!



No comments:

Post a Comment