Monday, January 19, 2015

Ano ang Santo sa Biblia?

Nakaraang araw January 15, 2015 ay bumisita ang kinikilalang Santo Papa ng Roman Catholic na namalagi ng limang araw sa bansa.

Maraming Katoliko  ang excited, natuwa habang hinihintay ang kanilang Santo Papa ang iba naman ay naiyak pa sa saya ng masilayan ang kanilang pinakamataas lider simbahan. Pero bakit ba  tinatawag na Santo ang Santo Papa kahit buhay pa? Ang alam ko kasi ng ako ay dati pang Katoliko ang mga namamatay na martyr  lamang ang dini-declare na Santo sa paraang canonization ng simbahan. Sa paniwalang Katolisismo kapag tinawag na santo nasa langit po yun, ayon sa site ng Catholic Online mayroong 10,000 named saints and beatrix sa history nila.



Mali po ang ganung paniwala kasi kung Biblia ang babatayan  ang pagiging Banal o Santo kailangan habang nabubuhay ka gagawa ng kabanalan at kapag nagawa mo yung kabanalan nagiging Santo ka kahit buhay ka pa  nandito  pa lang sa  lupa...basa po tayo:

Psa 16:3  Tungkol sa mga banal na nangasa lupa, sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.

Psa 16:3  But to the saints that are in the earth, and to the excellent, in whom is all my delight.

Psa 16:3  Sino á los santos que están en la tierra, Y á los íntegros: toda mi afición en ellos.

Ganun po pala ano po kahit nasa lupa ay meron ng Santo, ang word na Saints sa english ay mula sa Latin word na SANCTUS. Sino ba yung mga tinatawag na Banal o Santo sa lupa...basa po tayo:

1Co 1:2  Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga'y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:

1Co 1:2  Unto the church of God which is at Corinth, to them that are sanctified in Christ Jesus, called to be saints, with all that in every place call upon the name of Jesus Christ our Lord, both theirs and ours:


Ang nasa tunay na  Iglesia ng Dios ng una ang mga kaanib ay tinawag na Banal o Saints...yun po ang mga Kristiyano. Sa Katoliko ang Santo ay yung Papa lang  dito sa lupa para bang  sa kanila yun lang ang banal  pero yung mga priests at members na buhay ay hindi kailanman tinawag na Santo...nakasanayan kasi nila na tinuturo sa tao  na ang Santo ay yung namatay na martyr at na canonized ng simbahan.

Tayo habang buhay pa ay utos po na lahat tayo ay maging-Santo na ang ibig sabihin nararapat tayong gumawa ng kabanalan habang nabubuhay pa:


1Pe 1:16
  Sapagka't nasusulat, Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.



Ang ating Dios ay Banal at tayo ay inutusan din na maging banal o santo at yun sa pamamaraan ng ating pamumuhay sa bawat salita natin dapat may kabanalan maging sa pakikisama sa asawa, anak, magulang at sa kapwa tao, ang ating pag-ibig ay dapat maging banal na pag-ibig yan po ang mga halimbawa ng gawang kabanalan. Ang guidelines para makagawa ng kabanalan ay ang KAUTUSAN...basa po tayo:



Rom 7:12
  Kaya nga ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti.



Sa Katoliko po ang tao lang ang nagdedesisiyon na gawing banal ang taong namatay pero sa Biblia ang Dios po ang makakapagpa-banal sa tao sa pamamagitan ng Kautusan, ang kanyang salita  nakakapagpabanal o nakakapg-Santo sa tao:



Joh 17:17  Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.
Halimbawa ng nagpapakabanal o nagpapa-Santo ay gumagawa ng mabubuting gawa:
1Ti 2:10
  Kundi (siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal) sa pamamagitan ng mabubuting gawa.



Sa Iglesiang tunay ang mga babaeng Kristiyana ay nagpapakabanal sa mabubuting gawa, sila ay sumusunod sa kalooan ng Dios na dapat nilang magawa gaya ng pananamit na dapat niyang suutin na hindi gaya ng iba na nagpapakilalang Kristiyana ngunit  ang pananamit naman ay kahalay-halay sa paningin.


Ang mga Santo sa lupa ay yung mga dating masasamang tao, magnanakaw, lasenggo, babaero, nag-bibisyo..etc. pero nagbagong buhay, nagbalik-loob sa Dios sumunod sa Salita ng Panginoon na kanyang pinanatilihan sa kanyang pamumuhay:

1Co 6:9  O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake.
1Co 6:10  Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.
1Co 6:11  At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni't nangahugasan na kayo, nguni't binanal na kayo, nguni't inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Dios.


Sa amin yan po ang tinatawag na  mga Santo mga taong buhay na namumuhay sa salita ng Dios hindi gaya ng Katoliko yung santo nila sa lupa na buhay ay ang Santo Papa at at yung mga patay na santo sa langit  na ginawan ng rebultong kahoy at semento. Dalawa pa lang ang naging santong Pilipino si Lorenzo Ruiz at si Pedro Calunsod na ngayon ay dinadasalan ng mga debotong Katoliko.

Hindi ko po inaatake ang Katolisismo kundi sinasabi ko lamang po ang katuwiran ng Biblia tungkol sa pagka-Santo. Mag-aral po tayo ng Biblia mga kabayang Pilipino at magtanong po kayo, inaanyayahan ko po kayo na dumalo sa aming Bible Exposition.


Salamat sa Dios!









No comments:

Post a Comment