Sunday, October 11, 2015

Bakit Tayo Binibigyan ng Pagsubok ng Dios?

Habang tinatahak natin ang buhay  normal  na ang magkaroon tayo ng problema at wala itong pinipiling tao mayaman man o mahirap bawa't isa nagdaranas nito sa alin mang aspeto ng buhay. Alamin natin sa Biblia sa pagtuturo din naman ng aming Tagapagturo ang kahulugan ng PAGSUBOK,  huwag natin pagsamahin ang pagsubok at problema may kaibahan yun kasi maaring may problema na matatawag na  pagsubok pero hindi naman  lahat  ng problema ay pagsubok.

Marami kasing tao na kapag may problemang kinakaharap  ang agad na nasa isip ito ay pagsubok ng Dios. Hindi po ganun ang dapat na isipin agad kasi ganito po yun  halimbawa nagkaproblema ka  sa trabaho dahil natanggal ka at ang dahilan ay ang kapabayaan mo naging  tamad ka nahuli ka ng boss mo at inalis ka at yun nga nagkaproblema ka ngayon kasi wala ka ng  trabaho, hindi po pagsubok ang tawag doon kundi  katamaran.


Ang pagsubok ay isang bagay na dumadating na wala ka namang kasalanan o masamang ginagawa  tapos dumating sayo ang problema ito ay maaring sinusubok ka ng Dios kung gaano ang pagtitiwala mo sa Kaniya.


Halimbawa  ulit sa trabaho ginawa mo ang lahat ng nakaatang na gawain sayo ng maayos hindi ka naging pabaya naging masipag at masunurin ka  tapos inaalis ka ng boss mo yun ay maaring pagsubok po yun. O di kaya naman nag-alaga ka ng baboy o mga  manok kung kelan ibebenta mo na ay na-peste, o di kaya naman yung tinanim mo mga pananim ay sinalanta maaring pagsubok po ito para subukin ka ng Dios kung gaano ka nagtitiwala sa Kaniya.

Ang iba kasi yung problemang sila mismo ang gumawa ay pinaparatang sa Dios na ito daw ay pagsubok sa kanila, gaya halimbawa ng ibang lalaki iniwan ng asawa at anak dahil sa pambabae nasira ang pamilya niya tapos sasabihin niya sa sarili  na pagsubok daw sa kaniya yun ng Dios o kaya naman , gagawa ng katarantaduha sa trabaho at pag-natanggal ay pagsubok daw. Hindi po dapat ganun huwag nating ipasa sa Dios na Siya ang may gawa nito samantalang tayo naman ang dahilan kung bakit nagkaroon tayo ng problema.

May problemang binibigay ang Dios at yun ang Pagsubok na tinatawag at may problema naman na ang tao din mismo ang gumawa dahil sa resulta ng mali niyang aksiyon na intensiyon niyang gawin.


Ang tanong natin ngayon ito bakit ba ang tao ay sinususbok ng Dios, bakit niya tayo kailangan subukan...basa:

1Peter 1:7  Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama't ito'y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo:
Hindi natin maiiwasan  magkaroon ng pagsubok talagang ito ay  dumadating  at ang pagsubok ay bunga ng ating pananampalataya, ang sinusubok lang naman ng Dios ay ang sumasampalataya hindi naman sinsusubok yung walang pananamapalataya.

Sinusubok Niya ang sumasampalataya para mapatibay para  madalisay na parang ginto na sinsubok sa apoy, naapuyan ng inaapuyan para maalis ang dumi, o yung mga nakahalong mercury, bakal  para maging dalisay na dalisay na ginto gaya din ng ating pananampalatya na  sinusubok para tayo maging matatag, ang pagsubok ay hindi dahilan para tayo ay manghina o tayo ay huminto, tumigil o kaya ay mawalan ng loob kundi ang pagsubok dapat nating tanggapin bilang paraan ng Dios para tayo ay tumibay sa ating pananamplataya...basa po tayo:

Hebrew 10:36  Sapagka't kayo'y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako.
:37  Sapagka't sa madaling panahon, Siyang pumaparito ay darating, at hindi magluluwat.
:38  Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa.

Mahalaga po pala  yung tayo ay nabubuhay sa pananampalataya dahil kapag tayo ay umurong hindi tayo maging kalugod-lugod sa Dios. Kaya kailangan manatili tayo sa pananampalataya sa Kaniya  yun ang layon kung bakit tayo sinusubok para tumatag tayo ng tumaatag sa pananampalataya  katunayan basa po tayo:


Deuteronomy 13:3  Ay huwag mong didinggin ang mga salita ng manghuhulang yaon, o ng mapanaginiping yaon ng mga panaginip: sapagka't sinusubok kayo ng Panginoon ninyong Dios, upang maalaman kung iniibig ninyo ang Panginoon ninyong Dios ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa.


Ayon po sa talata sinusubok tayo para maalaman ng Dios kung iniibig natin Siya ng buong puso buong kaluluwa yun ang layon kung bakit tayo sinsubok ng Dios at pagdumadating ang pagsubok dapat magpakatatag tayo...basa po tayo:

1Pe 4:12  Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay: :13  Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.


Hindi pala dapat nating ipagtaka ang pagsubok  kundi mangaggalak tayo sabi ng talata  sapagkat sa paraang yaon naging karamay tayo sa hirap ng ating Panginoong Hesus parang tayo ay nakiramay na rin noong nahirapan siya sa krus kapag tayo ay nagpapakatatag sa pagsubok. Kaya huwag po tayong malungkot sa mga pagsubok na dumating sa ating buhay magpakatatag tayo magpakatibay sa pananampalataya at ilagak natin ang ating buong tiwala sa ating Dios Ama at Panginoong Hesus.


1Peter 5:7 
Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya.


Salamat sa Dios!


1 comment:

  1. Maraming Salamat sa magandamg Balita ngayun ay lumuwag ang aking kaisipan Kung bakit nangyayare ang lahat ng ito tanggapin lahat ng pagsubok kasama ang diyos at hinding hindi siya aalis sayong tabi

    ReplyDelete