Tuesday, October 20, 2015

Ano ang Karma? Totoo ba ito?

Kalamitan itong nasasabi ng tao sa tuwing ang kapwa niya may nagawa sa kanyang masama...pero totoo po ba ito? Ito ba ay Biblical? Umpisahan natin sa pag-alam muna kung ano ang kahulugan nito.

Ang Karma ay paniniwala ng relihiyong Hinduismo at Buddismo na ayon sa ideyang ito  ang umiiral ay ang batas ng kalikasan na ang gawang mabuti ay magbubunga ng pagpapala at ang masamang gawa ay magbubunga ng sumpa. Sinasabi din na kung paano ang tao halimbawa namumuhay ngayon ay nakasalalay din ang klase ng buhay niya   sa reincarnation, ibig sabihin ang kapalaran ng tao  nakadepende sa kaniyang pagpili, kung pinili  niyang maging  masama ngayon magiging masama siya o kung mabuti naman ay magiging mabuti siyang tao pagdating ng reincarnation. Kung ano ang ginawa niya ngayon ay gagantihin ito sa hinaharap at hindi niya ito matatakasan, halimbawa gumawa siya ng masama ngayon someday somehow in the future babalik sa kaniya ang masama sa iba't-ibang paraan kahit mag bagong buhay pa siya o magpakabuti..dahil ibang case naman yun kung nagpakabuti  siya  ay gagantihin di ng mabuti yung ginawa niya pero hindi ito nangangahulugan na pambayad yun sa nagawa niyang masama ng una..babalik pa rin yung masama sa kaniya  bunga ng ginawa niyang masama ng una bago siya nagpakabuti.

*** https://en.wikipedia.org/wiki/Karma

Ang Karma ay ngyayari sa Reincarnation o kapag ang tao ay namatay siya ay mabubuhay ulit sa ibang katauhan maaring tao ulit, hayop, halaman etc. depende kung ano ang gianwa niya ng buhay pa siya. Hindi sangayon ang Biblia sa doctine ng Reincarnation dhail pagnamatay ang tao ang kasunod ay maghhintay na ng paghuhukom...basa po tayo:Hebrew 9:27  At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;

Ayon naman sa pagkaunawa ng karamihan sa Karma ang sabi kapag gumawa ka ng masama ay babalik sayo ay masama din, kung mabuti ay mabuti. Halimbawa ang isang lalaki kapag nanloko siya ng babae ang magiging balik nito ay maaring magkaproblema sa pera, pisikal , magkakasakit ang isa sa member ng pamilya, o magkasakit din ang taong yaon, o di kaya naman may sakunang darating at ang magbabayad daw ay ang anak nito magkakasakit o di kaya lolokohin din  daw ng iba. Hindi po totoo na ang mga anak ang pambayad o magbabayad dahil sa kasalanan ng magulang..basa po tayo:

Ezekiel18:20 
Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.


Totoo naman po na kapag gumawa ng masama ay masama din ang balik o mabuti ay mabuti din ang resulta  gaya ng sinasabi ng Biblia:



Job 4:8  Ayon sa aking pagkakita yaong nagsisipagararo ng kasamaan, at nangaghahasik ng kabagabagan ay gayon din ang inaani.

Proverbs 26:27  Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon: at siyang nagpapagulong ng bato, ay babalikan nito siya.

Luke 6:37  At huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo'y palalayain:
:38  Mangagbigay kayo, at kayo'y bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong kandungan. Sapagka't sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin.

Psalm 126:5  Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.


Ang tawag po diyan ay cause and effect at totoo po yun halimbawa niloko mo yung isang tao tapos eh! masamang tao pa at  nalaman niya gumanti sayo sinaktan ka..normal po yun dahil may nagawa kang mali. Halimbawa ulit may asawa ka tapos nambabae o nanlalaki ka ng nagkabistuhan na hiniwalayan ka ng asawa mo nasira pamilya mo...hindi po karma yun kundi epekto ng gawang kasalanang sinadyang gawin dahil kung naging tapat siya sa asawa ay walang hiwalayan na mangyayari. Halimbawa naman may snatcher ng agaw ng bag tumakbo tapos tumawid ng kalsada hindi napansin ang parating na  sasakyan at nasagasaan..hindi po karma yun kundi aksidente na siya din ang may gawa kasi kung hindi siya ng agaw ng bag di sana siya tatakbo at masasagasaaan.


Hindi po totoo ang concept ng Karma yan ay  aral na hindi galing sa Panginoon na halimbawa pag gumawa ka ng masama sa isang tao makakarma ka gagawin din sayo hindi po totoo lahat yun. Ang Dios lang ang makakaganti sa tao at merong nakahandang ganti sa lahat ng ating ginagawang mali ang pagganti Niya ay  sa araw ng paghuhukom....basa po tayo:

Revelation 22:11  Ang liko, ay magpakaliko pa: at ang marumi, ay magpakarumi pa: at ang matuwid, ay magpakatuwid pa: at ang banal, ay magpakabanal pa.
:12  Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa.

Ulit po hindi po totoo yang doktrinang Karma dahil sa Biblia halimbawa nagkamali ka man sa buhay pero  sa isang panahon ng buhay mo nakagawa ka ng hindi tama at dumating naman yung panahon na nakakilalala ka sa ating Panginoong Hesus nagbalik loob ka ay patatawarin na ng Dios yaong mga kasalanan mong nagawa at hindi kana gagantihan wala ng karma karma pa.

Sa Biblia  merong tao na gumawa ng masama pero hindi bumalik sa kanya yung masamang ginawa niya  kasi nasumpungan niya ang Panginoong Hesus gaya halimbawa ng magnanakaw sa krus imbes na siya ay parusahan ng Dios ay hindi na siya pinarusahan  dahil ang sabi sa kanya ni Cristo ipagsasama kita sa paraiso dahil bago siya namatay nakapagsisi siya nakita niya ang Panginoon kaya  kahit halimbawa may nagawa kang mali pagdumating yung araw na sumampalataya ka kay Cristo nagbalik loob ka yung karma hindi effective  so hindi totoo yung karma kasi si Cristo tinutubos niya ang kasalanan ng sumasampalataya sa kaniya imbes na tayo ang parusahan siya ang naparusahan naghirap sa krus para sa atin kaya pagdating kay Cristo hindi totoo ang karma.


Isa 53:4  Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.
:5  Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.


Sa talata na yan si Cristo ang umako ng parusa na dapat sanay para sa atin kaya  papano ngayon magkakatotoo ang karma kung kay Cristo ka  yaong para sayong parusa ay napunta sa kaniya eh! di wala ng karma. Pagdating ng Panginoon saka niya gagantihin ang ginawa natin pero samantalang hindi pa siya dumadating meron naman tayong panahon para makapagsisi pagnagsisi tayo at nagbalik loob sa Dios kahit nakagawa ka ng mali ay hindi ka na gagantihan ng masama, magiging dapat ka. Basta tayo ay manatili sa pananampalataya sa ating Panginoong Hesus at siya ng bahala sa atin walang karma karma ang Dios natin ay love kahit mabuti o masama ang tao nagbibigay pa rin siya ng biyaya hindi siya agad nagpaprusa meron Siyang  nakahanda na kagantihan sa pagdating ng paghuhukom kaya bago yun dapat magbalik loob na po tayo.

Matthew 5:45  Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.




Salamat sa Dios!

2 comments:

  1. Tama ang sinasabi ninyo na walang karma sa mga anak ng Diyos sapagkat Siya ay Pag-ibig. Ang biyaya Niya ang maghahari sa bawat nagtitiwala sa kanya.

    ReplyDelete