Pages

Sunday, October 4, 2015

Pwede Bang Tumanggap ng Abuloy sa Hindi Kapananampalataya

Siguro naman nakaranas ka na minsan habang nasa  biyahe sakay ng Bus at biglang may tatayo sa harapan o gitna   na may dalang   Biblia at babasa ng ilang mga sitas na ang punto ay ang  pagbigay ng pera o abuloy sa kanila para daw sa gawaing pagpapalaganap ng Salita ng Dios. Minsan naman sa mga plaza o palengke na may microphone at maliit na speaker na habang nagdadadal yung pastor ang isang member naman ay may dalang supot na may nakalagay pa ngang love offerring na ginagamit upang  manghingi ng pera sa mga taong dumaraan. Ang sa iba naman kapag napadalo ka sa isang worship service sa pagyaya ng isang kaibigan ay hinihingan ka ng abuloy kahit hindi kapa  member nila o di kaya naman sa upuan may makikita kang sobre na puti at syempre ang ibig sabihin noon ay maglagay ka ng pera sa loob.

Pinahihintulutan ba ng Biblia ang mga ganitong gawain ng ibang relihiyon? Mabuti po yung ginagawa nilang pagpapalaganap ng Salita ng Dios kung ang ipinangangaral ay nakaayon sa Biblia pati  ang pamamaraan nito. Hindi po sinasang-ayunan ng Biblia ang ganitong paraan ng pangangaral...basa po tayo:

3John 1:7
 
Sapagka't dahil sa Pangalan, ay nangagsiyaon sila na walang kinuhang anoman sa mga Gentil.

Noong nangangaral ang ating Panginoong Hesus itinuro Niya sa mga alagad na yumaon at mangaral sa ibat'-ibang lugar pero kahit anuman sa mga Gentil ay wala silang kinuha ng kahit na anuman. Yung mga Gentil po yun po ang tawag sa tao na labas sa Iglesia ng Dios o mga hindi Kristiyano, mga hindi kaanib sa samahan ng mga Apostol. Ang mga alagad ay hindi  kumuha o nghingi ng pera o abuloy o ng kahit anuman sa mga gentil sa kanilang pangangaral. Kasi bawal po ng Dios na gawin nila, utos kasi na ipangaral ang Ebanghelyo ng walang bayad...basa po tayo:


Matthew 10:7  At samantalang kayo'y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, Ang kaharian ng langit ay malapit na. :8  Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.
Kaya kapag nanghingi  ng pera an isang Pastor sa kaniyang  pinapagaralan ng Ebanghelyo eh!
para  na ring nagpapabayad siya  at yun ay bawal ng Dios na gawin ng isang Mangangaral o kaanib man na mangaral tapos ay manghingi ng kahit ano dun sa pinapangaralan niya. Kaya kung maka-experience po kayo ng ganun na nangangaral tapos hihingan kayo ng pera eh! nasa sa inyo napo ang hatol kung magbibigay po kayo o hindi basta ang mahalaga po ay naibahagi ko po sa inyo na mali po ang ganung pamamaraan nila ng pagpapalaganap ng salita ng Dios.




Salamat sa Dios!

No comments:

Post a Comment