Malapit na ang halalan at ang trending ngayon ay kung sino ang mananalo sa pagiging Presidente ng Pilpinas. Ang isa sa popular na presedential candidate ay si Mayor Duterte ng Davao City, sa totoo lang humahanga ako sa kaniyang mga magagandang nagawa sa kaniyang lungsod katunayan na katanggap pa ito ng Seal of Good Local Governance at ayon pa sa Sunstar Davao ito ay pang apat sa safest city in the world.
DAVAO NOW THE 4TH SAFEST CITY IN THW WORLD
http://www.sunstar.com.ph/davao/local-news/2015/06/23/davao-now-4th-safest-city-414856
Kaya hindi kataka-taka na marami sa ating mga kababayan ang humanga din sa kaniyang magaling na pamamahala dahilan para siya ay suportahan ng karamihang Pilipino sa bansa at ng OFW na iboto sa 2016 bilang bagong Presidente ng Pilipinas. Lahat naman tayo gusto ng pagbabago sa ating bansa dahil sawa na tayo sa mga pangako ng mga pulitiko kaya napupusuan ng karamihan ay si Mayor Duterte ang solusyon para sa pagbabago.
Nakilala si Mayor Duterte dahil sa kaniyang katapangan at mga pagbabanta sa mga kriminal sa mga binibitawang salita na papatayin niya ang mga ito, maraming mga kababayan natin ang sumang-ayon sa kaniyang mga sinabi. Pero hindi rin nilinaw ni Mayor kung ano ang ibig niyang sabihin na papatayin niya ang mga kriminal, maaring ito ay hyperbole lamang gaya ng sabi ni Sen. Mirriam Santiago na ine-exaggerate lang ang pananalita para makakuha ng public attentions.
Pero ang pumapasok sa kaisipan ng lahat ay ang papatay siya gaya ng vigilante group na DDS o Davao Death Squad. Ngayon kung ganito nga ang sistema na papatay siya ng kriminal na hindi dadaan sa paglilitis bago patawan ng parusa ang kriminal ay hindi po ako sumasang-ayon. Hindi po dapat na umasta ang sinuman na parang Dios na magde-desisyon kung bubuhayin o papatayin ang isang masama o mabuti. Ang may karapatan lamang na kumitil ng buhay ay ang Dios:
DAVAO NOW THE 4TH SAFEST CITY IN THW WORLD
http://www.sunstar.com.ph/davao/local-news/2015/06/23/davao-now-4th-safest-city-414856
Kaya hindi kataka-taka na marami sa ating mga kababayan ang humanga din sa kaniyang magaling na pamamahala dahilan para siya ay suportahan ng karamihang Pilipino sa bansa at ng OFW na iboto sa 2016 bilang bagong Presidente ng Pilipinas. Lahat naman tayo gusto ng pagbabago sa ating bansa dahil sawa na tayo sa mga pangako ng mga pulitiko kaya napupusuan ng karamihan ay si Mayor Duterte ang solusyon para sa pagbabago.
Nakilala si Mayor Duterte dahil sa kaniyang katapangan at mga pagbabanta sa mga kriminal sa mga binibitawang salita na papatayin niya ang mga ito, maraming mga kababayan natin ang sumang-ayon sa kaniyang mga sinabi. Pero hindi rin nilinaw ni Mayor kung ano ang ibig niyang sabihin na papatayin niya ang mga kriminal, maaring ito ay hyperbole lamang gaya ng sabi ni Sen. Mirriam Santiago na ine-exaggerate lang ang pananalita para makakuha ng public attentions.
Pero ang pumapasok sa kaisipan ng lahat ay ang papatay siya gaya ng vigilante group na DDS o Davao Death Squad. Ngayon kung ganito nga ang sistema na papatay siya ng kriminal na hindi dadaan sa paglilitis bago patawan ng parusa ang kriminal ay hindi po ako sumasang-ayon. Hindi po dapat na umasta ang sinuman na parang Dios na magde-desisyon kung bubuhayin o papatayin ang isang masama o mabuti. Ang may karapatan lamang na kumitil ng buhay ay ang Dios:
Deuteronomy 32:39 Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay.
1Samuel 2:6 Ang Panginoo'y pumapatay, at bumubuhay: Siya ang nagbababa sa Sheol, at nagsasampa.
Baka mangangatuwiran po ang iba na may utos na bawal pumatay pero bakit ang Dios ay pumamatay din, lumabag yata ang Dios sa kanyang utos?
Ang Dios po ay hindi under the law, He is above the law, Siya ay law maker. Walang batas na sumasakop sa Dios kaya wala Siyang nilalabag dahil Siya ang Batas, Siya ang may karapatan na mag-desisyon sa gusto Niyang gawin sa Kaniyang mga nilikha. Pag-inutos Niya na huwag kang papatay ay sumunod po tayo pag-sinabi Niyang pumatay ka ay sumunod pa rin tayo, gaya ng pag-sunod ng mga Propeta noon na bawal sa kanila ang pumatay at pag inutos naman ng Dios na pumatay sila ay papatayin nila.
Maaring mangangatuwiran ang ilan para ma-justify ang killing, na ang papatayin naman n Mayor Duterte ay ang mga masasama, mga kriminal, mga salot gaya ng ginawa ni Propeta Moises, King David at iba pang mga lingkod ng Dios sa Old Testament. Tama po na pumatay sila ng taong masasama pero sila po ay may Direct Authority mula sa Dios ang Dios po ang may utos na patayin nila ang masasama. Bawal ang pumatay sa ating sariling pagpapasiya maliban na lamang kung binigyan ng karapatan ng Dios na gawin ito.
Si Mayor po ay walang direct authority mula sa Dios para maging executioner na papatay ng masama at hindi po siya Dios na hawak niya ang magpapasiya sa mga kriminal at hindi rin siya propeta na inutusan magsagawa nito, wala po siyang karapatang mula sa Dios dahil hindi naman niya ito nakausap. Kaya kung gagawin niya man ito na papatay na labag sa Batas ng Dios at labag sa batas ng tao ay mapapabilang din siyang isang masama at kriminal.
Masakit po sa damdamin lalo na kung tayo ang biktima ng karahasan ng kapwa tao, ginawan tayo ng karumadumal gaya ng na sa balita na rape ang bata tapos pinatay at tinapon na lamang sa kung saan-saan. Magpupuyos tayo sa galit at ang iisipin ay ang gumanti at patayin ang may sala. Hindi natin masisi ang ilan sa atin na makaramdam ng ganun dahil ayaw natin ng kriminalidad pero huwag po natin kalimutan na kung tayo man ay Kristyano ay may aral ang Biblia na huwag gumanti.
Isipin mo na lang ang ngyari sa ating Panginoong Hesus siya ay sinaktan, binubog at pinako sa krus di ba masakit yun sa kaniyang Ina na si Maria at pati ng mga alagd, na nakikita ang kaniyang anak na sinasaktan ng harap-harapan pero di sila gumanti dahil nagtitiwala sila sa kaloban ng Dios Ama. At hayaan na lamang ang Dios ang magsagawa nito, hindi man sa ngayon kundi sa hinaharap na paghuhukom.
Romans 12:19 Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.
Hebrew 10:30 Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan.
Ezekiel 25:17 At ako'y gagawa ng malaking panghihiganti sa kanila na may malupit na mga pagsaway; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking isinagawa ang aking panghihiganti sa kanila.
Ang ating Panginoong Hesus ay nagturo pa nga na kahit sampalin ka ay iharap pa ang kabila na ang kahulugan ay huwag tayong gumanti:
Matthew 5:38 Narinig ninyong sinabi, Mata sa mata, at ngipin sa ngipin:
:39 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.
1Thesalonians 5:15 Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.
Kahit ang Panginoong Hesus nakaranas ng karahasan sa mga nghuli sa kaniya, pinagtanggol siya ng isang alagad pero pinagsabihan niya:
Matthew 26:51 At narito, ang isa sa mga kasama ni Jesus ay iniunat ang kaniyang kamay at binunot ang kaniyang tabak, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinagpas ang kaniyang tainga. :52 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Isauli mo ang iyong tabak sa kaniyang lalagyan: sapagka't ang lahat ng nangagtatangan ng tabak ay sa tabak mangamamatay.
Ang mapoot pa nga lang sa kapwa ay tinatawag na namamatay tao lalo na siguro kung papatayin mo pa pisikal.
1John 3:15 Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao: at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan.
Kung nais nyo pong mahalal si Mayor Duterte bilang panglo sa 2016 ay nasa pagpasiya niyo po yan, suportahan natin siya sa mabubuting plano niya sa ating bansa pero huwag po tayong sumang-ayon kung ang kaniyang mga lakad ay gaya na rin ng lakad ng isang masama, huwag tayong makiisa sa kaniya kung ang kilos niya ay labag na sa katuwiran ng Biblia. Kung talagang tayo ay Kristyano sumunod po tayo sa utos ng Panginoong Hesus:
John 14:15 Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
Pagtiisan lang natin ang kasamaan ng mga tao dahil malapit na rin matapos ang kanilang pagtatagumpay:
Job 20:5 Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli, at ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang?
Hayaan natin na ang Dios ang gumangi kapag nasagawa na Niya ang Paghuhukom sa lahat:
Jude 1:15 Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan, at sa lahat ng mga bagay na mabibigat na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama.
Revelations 21:8 Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.
Sabi nga ng aming Mangangaral minsan ang mga masasama kaya buhay pa ay dahil binibigyan pa sila ng pagkakataong magbago at magbalik loob dahil ibig niya lahat ng tao ay mangaligtas.
1Timothy 2:4 Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan.
Sa ibang artikulo ay alamin naman natin kung ang Death Penalty ay dapat sang-ayunan at kung ano ang sinasabi ng Biblia about sa Killing for Self Defense.
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment