Sa mga hindi pa lubusang kilala ang aming Mangangaral at sa mga hindi namin kapananampalataya pinipintasan nila ang pagsasalita niya ng mga salitang gaya ng gago, tanga, tarantado, walang hiya at binansagan pa nila na palamura.
Sa karanasan ko ng hindi pa ako kaanib naririnig ko sa Radyo ang aming Mangangaral na nagsasalita ng ganung pananalita pero sa halip na madismaya mas lalo pa akong nagsuri para alamin kung bakit niya ginagamit ang gayung pananalita sa kaniyang pangangaral. Sa pakikinig ko unti-unti kong naunawaan ang mga dahilan kaya lalo akong naakit na patuloy na makinig hanggang sa ako ay naanib. Salamat sa Dios!
Sa karanasan ko ng hindi pa ako kaanib naririnig ko sa Radyo ang aming Mangangaral na nagsasalita ng ganung pananalita pero sa halip na madismaya mas lalo pa akong nagsuri para alamin kung bakit niya ginagamit ang gayung pananalita sa kaniyang pangangaral. Sa pakikinig ko unti-unti kong naunawaan ang mga dahilan kaya lalo akong naakit na patuloy na makinig hanggang sa ako ay naanib. Salamat sa Dios!
Nagsasalita po ang aming Mangangaral hindi para mang insulto, maghamak, manlait o mag-alipusta ng kapwa tao nagsasalita siya ng mga ganung pananalita para sabihin ang totoo. Hindi marami ang kagaya ng aming Mangangaral na nakahandang kagalitan ng tao huwag lang siya kagalitan ng Dios, basta nababasa sa Biblia ginagamit niya po yun. Pinapasama lang ng mga kalaban namin sa pananampalataya ang kanyang imahe sa madla para palitawing masama at huwag paniwalaan ang sinasabi.
Ang mga nakasulat po sa Biblia ay hindi naman lahat matamis sa pandinig dahil may mga tamang salitang ginagamit para sa kinauukulan kahit masakit sa damdamin ito ay upang matuto tayo, prangka po ang Biblia masaktan ka man o hindi nagsasalita ito ng katotohanan.
Hebrew 4:12 Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.
Wala pong tinuturo ang aming Mangangaral na kaming mga kaanib ay maging palamura o murahin ang kahit sinong ibig naming murahin o gawing expression sa bawat salitang binibitawan. At lalong hindi po itinuturo ito sa aming mga anak o kabataan sa Iglesia. Tinuturo niya rin na huwag gamitin ang mga salitang nabanggit sa magulang, kapatid, asawa, anak, mga kamag-anak, kaibigan, kapatid sa pananampalataya at kapwa tao na hindi kinauukulan. Ang aming Mangangaral gumagamit ng salita (na akala ng mga tao ay pagmumura) sa mga bulaang pastor at mga ministro na kinauukulan lamang nung salita at sa mga taong hindi nakakaunawa ng Kasulatan na kahit pinapaliwanag na ng tama mula sa Biblia ay ayaw pa ring tanggapin sa halip naninidigan pa kahit mali na.
Ang iba naman nagagalit dahil sumisigaw pa ang aming Mangangaral, ginagawa po niya yan hindi para malugod ang tao bahala na kung magalit sila o sumama ang loob ang mahalaga ay maparating sa kanila ang sinasabi ng Biblia. Hindi naman po masama ang sumigaw basta totoo ang sinasabi mo:
Isaiah 58:1 Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.
Lagi daw galit ang aming Mangangaral, Hindi po masama ang magalit basta makatuwiran ang pagkagalit hindi lahat ng galit ay masama, utos pa nga po:
Ephesians 4:26 Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit:
Pero syempre minsan bilang tao na nagkakamali minsan nakakapagbitaw ang bawat isa sa atin ng mga salitang iyan sa kapwa na hindi tamang pag-ukulan, kaya naman kapag hindi tayo sure na lapat sa tao ang mga salitang yan ay huwag na huwag gumamit dahil ito ay magiging panlait, pang-aalipusta panghamak ng kapwa kapag sinabi sa hindi karapatdapat. Kahit si Apostol Pedro hindi nakapagpigil at nakapagmura, nanumpa ng siya ay kinukulit ng mga tao na siya ay kasamahan ng Panginoong Hesus..humingi naman po siya ng tawad sa kaniyang mga nagawa ng naalala niya ang mga sinabi ng Panginoon sa kaniya:
Ang Bagong Ang Biblia
Mark 14:71 Ngunit siya'y nagsimulang magmura at sumumpa, "Hindi ko nakikilala ang taong ito na inyong sinasabi."
Nakasanayan na kasi ng Pilipino mula pa noong una na pag-nagsabi ka ng mga ganung pananalita nagsasalita ka na ng salitang pagmumura, ang social norms po ng society natin ang nagtakda na yan ay pagmumura. Pero kung pag-aaralan natin ang tamang gamit ngsalita hindi po pala ito pagmumura.
Yung salitang gago hindi naman po iyon mura ayon sa the most trusted dictionary in the Philippines regarding tagalog language na UP DICTIONARY:
ULOL: baliw. o sira uo
TARANTADO: mula sa spanish word na "atarantar" nawala sa wisyo, nataranta, walang prinsipyo o pag-aatubiling moral. Ikalawang kahulugan: May masamang gawain o pag-aasal.
TANGA: tao na kulang sa kakayahang humatol at magpasya.
Ginagamit ang salitang tanga kapag yung sinasabihan ay nawala dun sa line of reasoning o logic gaya ng mga bulaang pastor at ministro. Halimbawa ikaw ay naglalakad na alam mo mabatong daan pero hindi tinitignan ang dinaraan dahil may iniisip at bigla kang nadapa...tawag dun katangahan. Halimbawa ikaw ay nakipagkita sa kaibigan at naghintay ka ng matagal tapos hindi dumating..ang tawag sayo nagmukha kang tanga...kasi naghintay ka sa wala..sinasabi lamang ang naging kalagayan mo at hindi ang buong pagkatao mo.
Ang mga salitang yan dapat alam natin kung papaano at kanino lamang dapat na gamitin, sabihin, at pagsalitaan, at dun lamang dapat sa kinauukulan na mga bulaang pastor, mangangaral o mga ministro na kalaban ng katuwiran ng Dios. Hindi sa kung kani-kanino na lang sasabihin, kapag hindi sigurado na lapat ito sa taong kausap na hindi naman pala ukol sa kaniya ang mga salitang yan ay huwag ng salitain pa baka makasakit lang ng damdamin, makahila ng galit at ikakatisod pa ng kapatid sa iglesia, huwag tularan ang iba na ginagawa na lang expression ang mga salita na yan na nagti-trip lang o dahil sa nadala ng galit.
Hindi maitatanggi na sa buhay na ito ay mayroon naman talagan mga tanga:
Magandang Balita Biblia
Psalm 49:10
Ang lahat ay mamamatay, ito nama'y alam niya, Maging mangmang o marunong, kahit hangal, pati tanga; Yaman nila'y maiiwan, sa lahi na magmamana. -Magandang Balita Biblia
Sambayanang Pilipino Biblia
Galatians 3:1
O tangang mga taga-Galasya! Sino ang kumulam sa inyo, na sa inyong mga mata’y lantaran pa namang itinanghal si Jesucristong nakapako sa krus? -Sambayanang Plilipino Biblia
ANONG KLASENG KATANGAHAN BA YUNG SINASABI NI APOSTOL PABLO:
Galatians 3:3
Tangang-tanga na ba kayo? Nagsimula na kayo sa espiritu at ngayo’y magtatapos kayo sa laman. -Sambayanang Plilipino Biblia
Mas pangit naman yung ginawa mo ay katangahan tapos sinabi sayo "ang talino mo naman" , parang binobola ka na lang nun para dika ma-offend. Mas mabuti na yung sabihan kang tanga para malaman mo kung ano ba ang katangahan na ginawa mo para matuwid mo ito kesa sa sabihan kang matalino na hindi naman totoo.
Kung ikukumpara pa nga ang ulol sa gago at tarantado, tanga..mas mabigat pa nga po ang sabihan ka ng ulol, kasi kung ulol wala na pong pag-asa yun, sira na ang ulo. Mas may pag-asa pa nga ang sabihan kang tarantado kesa sabihan kang ulol kasi yung tarantado ay natataranta lang pero pagnatuwid maalis na ang pagkataranta...pero pag ulol mahirap ng maalis.
ANO BA ANG DAPAT NA KARAKTER NG ISANG MANGANGARAL NG DIOS PAG NANGANGARAL?
Ang Mangangaral ng Dios nagsasalta ng Salita ng Dios. Halimbawa si Haring Solomon isa din siyang sugo ng Dios pero nagsalita siya ng ulol.
Proverbs 5:23 Siya'y mamamatay sa kakulangan ng turo; at sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya.
Meron po bang ulol? meron po sinabi nga po ni Haring Solomon masakit man sa tainga sa katotohanan may ulol talaga.
Isa pang halimbawa ng ulol..basa:
2Peter 2:16 Datapuwa't siya'y sinasaway dahil sa kaniyang sariling pagsalangsang: na isang asnong pipi ay nangusap ng tinig ng tao at pinigil ang kaululan ng propeta.
Sabi po ni Apostol Pedro si Propeta Balaam pinigilan ng asno ang kaululuan niya eh! di nagsalita din po si Apostol Pedro ng ulol. Sabi ng Dios yang mga ulol yung nagliligaw ng turo gaya ni Propeta Balaam.Maraming ulol dahil sa kawalan ng turo maliligaw. Ang Ulol po hindi lang yung nakikita natin sa kalsada na may hilang lata o na sa mental hospital dahil sa Biblia tinatawag na Ulol yung nagliligaw ng aral.
MASAMA PONG SABIHIN ANG SALITANG ULOL KUNG SA KAPATID NATIN SA DIOS ANG SABIHAN NITO:
Matthew 5:22 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.
Masama palang sabihin ng ulol ang kapatid mo sa Dios.Sino ba yung kapatid natin sa Dios..na sinasabi ng Panginoong Hesus..basa:
Matthew 12:50 Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina.
Yung tinuturing pa lang kapatid at ina ay yung tumutupad ng kalooban ng Dios sa langit. Halimbawa ikaw at ako magkapatid tayo, pareho tayong gumaganap ng kalooban ng Ama sa langit masama kitang pagsabihan ng ulol.
Pero halimbawa isang ministro o pastor na gumagawa ng mga kasinungalingan pinuputol ang mga video ng aming Mangangaral tapos pagdudug-dugtungin para palitawing nagkontrahan at nagsinungaling, ang ganung tao po ay ulol gaya ni Propeta Balaam kasi inliligaw ang tao sa katotohanan.
Kung halimbawa naman sabihin ng Dios na walang hiya ang isang tao at pag hindi mo sasabihin ay hindi ka sa Dios..pag hindi mo sinasabi ang sinabi ng Dios: Meron bang walang hiya?..meron nasa Biblia sinabi po ng Dios..
Proverbs 7:13 Sa gayo'y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya, at may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya:
Kaya pag-nabasa mo ang walang hiya ay sasabihin mo yun sa kinuukulan pero hindi naman lahat ng tao sasabihan mo ng walang hiya..sino ba ang dapat sabihan ng walang hiya eh! di yung talagang walang hiya..sino ba yung walang hiya:
1Corinthians 15:34 Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, at huwag mangagkasala; sapagka't may mga ibang walang pagkakilala sa Dios: sinasabi ko ito upang kayo'y kilusin sa kahihiyan.
May mga tao kasi na namamalagi sa kahihiyan hindi umaalis sa kaihiyan upang gisingin at kilusin..meron bang mga taong walang hiya?
1Corinthians 6:5 Sinasabi ko ito upang mangahiya kayo. Ano, diyata't wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid,
Hindi nakakaramdam ng kahihiyan ang iba sa Corinto, ganyan ang Mangangaral ng Dios masaktan ka matuwa ka basta pinapasabi ng Dios..kung babasahin pa natin yung mga bagong salin ng BIbliya loko-loko pa tawag ni Apostol Pablo yan:
Sambayanang Pilipino Biblia
Romans 1:2 Sila’y mga lokong nagmamarunong
Bakit sila tinawag na loko:
Romans 1:23 At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.
Kaya pala loko-loko kasi pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na walang kamatayan at pinalitan nila ng mga larawang inanyuan kaya sabi ni Apostol Pablo sa kanila sila'y mga lokong nagmamarunong.
Ang Mangangaral na Sugo ng Dios ay nag sasalita ng mga ganyan pero alam nila kung kanino at kung Kailan lamang dapat na gamitin at sinasabi lamang sa kinauukulan. Trabaho po ng isang Mangangral na itaboy ang manglilibak ng katotohanan at katuwiran ng Dios sa Biblia:
Proverbs 22:10 Itaboy mo ang manglilibak, at ang pagtatalo ay maalis; Oo, ang pagkakaalit at pagduwahagi ay matitigil.
Dapat pa lang saktan ng sa ganun ay makaunawa, sasawayin siya:
Proverbs 19:25 Iyong saktan ang manglilibak, at ang musmos ay magaaral ng kabaitan: at iyong sawayin ang naguunawa, at siya'y makakaunawa ng kaalaman.
At ang pagsaway ginagamitan ng kabagsikan para gumaling:
Titus 1:13 Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito'y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangapakagaling sa pananampalataya,
May utos po sa isang Mangangaral na sumuway gamit ang pangangaral ng Salita ng Dios:
2 Timotthy 4:2 Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.
Ang mga sugo noon gaya ni Apostol Pablo dapat isalita kung ano yung pinapasalita ng Dios hindi gaya ibang mga pastor na takot gumamit ng salitang makakapanakit sa kapwa baka hindi na umanib:
1Thessalonians 2:4 Kundi kung paanong kami'y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio, ay gayon namin sinasalita; hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso.
Kaya marapat lamang na gawin ng isang Mangangaral ang kaniyang tungkulin na salitain ang salita ng Dios:
John 3:34 Sapagka't ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka't hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.
Ang sinugo ng Dios dapat nagsasalita ng salita ng Dios masakit man o matamis sa pandinig kung sa Dios dapat sabihin yun ..basa:
Jeremiah 26:2 Ganito ang sabi ng Panginoon, Tumayo ka sa looban ng bahay ng Panginoon at salitain mo sa lahat ng bayan ng Juda, na nagsisiparoon upang magsisamba sa bahay ng Panginoon, ang lahat na salita na iniutos ko sa iyo upang salitain sa kanila; huwag kang magbawas ng kahit isang salita.
Bawal bawasan kung Mangangaral ng Dios ang kahit isang salita ang pinapasabi ng Dios. Ang aming Mangangaral nagsasabi siya ng mga salita sa kinauukulan..basa:
Proverbs 25:11 Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak.
Parang ginto pala yung salitang sinalita mo sa kinaukulan, napakahalaga noon dahil magbibigay yun ng karunungan , nagbibigay ng pagkatuto, pagsinabi mo sa kaukulan, Halimbawa may magnanakaw, sinabihan mong magnanakaw hindi po yun paninira o panlalait kasi nakita mong gumawa siya ng pagnanakaw na sadya at para mahiya siya at baka sakaling magbago. Si Judas tinawag ng Panginoong Hesus na magnanakaw at tulisan pa:
John 10:1 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang pumapasok sa hindi pintuan ng kulungan ng mga tupa kundi umaakyat sa ibang daan, ang gayon ay tulisan at magnanakaw.
Ang Biblia po ay nagsasalita ng mga deretsahang salita ,at lahat ng kamalian ng tao para matuto at wag maloko...basahin natin ang sinabi ni Propeta Isaiah:
Isaiah 56:11 Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang.
Sinabi niya mga aso pala yung mga pastor na hindi nakakaunawa,pakinabang kasi ang gusto nila mga walang pagkaunawa sa salita ng Dios. Tawag ng Dios mga aso..ikaw tao ka tinawag kang aso..maganda ba yun? pero ang Dios tinatawag niya na aso ang mga pastor na hindi nakakaunawa, mga matatakaw..eh! nagmumura ba ang Dios? Syempre hindi po, nagsasabi lang Siya ng totoo na ugaling aso ang mga pastor na yun.
Ang masama tinatarantado, ginagagago na tayo ng mga pastor at mga ministro ay sasabihan mo pang mabait tapos pupurihin mo pa na sila na kagalang galang. Hindi po payag ang Biblia ng ganun..basa:
Proverbs 24:24 Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid; susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa:
Masama pala yung sasabihan mo ng matuwid ang masama ang sabi susumpain siya, kasumpa-sumpa sa harapan ng Dios yung masama sasabihin mong matuwid at yung matuwid sasabihin mong masama...basa:
Isaiah 5:20 Sa aba nila na nagsisitawag ng mabuti ay masama, at ng masama ay mabuti; na inaaring dilim ang liwanag, at liwanag ang dilim; na inaaring mapait ang matamis, at matamis ang mapait!
Yung binabaliktad mo pala yun ay masama pero halimbawa ang isang tao ay ulol naman talaga sabihin mo mang ulol hindi masama yun...sinabi mo lang yung kalagayan niya, ganun din ang gago, tanga, tarantado kung talaga namang ganun nga sila at lapat naman wala namang masama dahil totoo naman. Ang masama hindi naman gago, tanga o tarantado ay sasabihan mo ng ganun yun po ay panlalait at panghahamak na yun sa kapwa. Dapat bago ka bumitaw ng ganun salita siguraduhin na talagang siya ay nasa kalagayang ganun. Ang masama lalaitin mo ang kapwa mo tao na hindin naman gumagawa ng kagaguhan at sasabihin mong gago.
Ito pa po ang sinabi ng Dios, masakit at masama sa iba pero katotohanan po ito, sinabi ng Dios malilibog ang mga babaeng yun:
Ezekiel 23:44 At sinipingan nila siya, na parang sumiping sa isang patutot: gayon nila sinipingan si Ohola at si Oholiba, na malibog na mga babae
Papalitan mo ba yun dahil masama pakingggan...malibog, Bakit malibog ano ba ginawa?
Ezekiel 23:3 At sila'y nagpatutot sa Egipto; sila'y nagpatutot sa kanilang kadalagahan: doo'y nangahigpit ang kanilang mga dibdib, at doo'y nangahipo ang mga suso ng kanilang pagkadalaga.
Kaya pala tinawag na malibog kasi ang propesyon ay patutot, tutulan ba natin yan na nasa Biblia. Masyado na tayong plastik kapag sinabi na ng Dios tutulan natin. Ito pa isang talata sa Apocalipisis Ina ng mga patutot..eh! di may anak pala ang mga patutot, ibig lamang sabihin na kahit masama ang salita sa pakinig, pagka inuukol sa kinauukulan hindi masama yun..pero kung ang isang babaeng mabuti kagaya ni Maria at sabihan mo ng puta yun ay pagmumura.
Reveation 17:5 At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA.
Ang PATUTOT [1] (Ingles: whore, harlot, hooker, "entertainer," prostitute[2]) ay isang salitang may hindi mainam na kahulugan. Tumutukoy ito sa isang babae, maaari ring lalaki, na binabayaran o nagpapabayad para sa kapalit na serbisyong may kaugnayan sa pakikipagtalik at seksuwalidad ng mga tao. Kasingkahulugan ito ng prostituta (partikular para sa isang babaeng patutot), prosti (pinaikling bersiyon ng prostituta), masamang babae[3], babaeng bayaran, masamang lalaki, at lalaking bayaran. Binabansagang din silang kalapating mababa ang lipad, puta (mula sa Kastila), at ng mga salitang balbal na kokak, burikit, burikat, japayuki, GRO, at donut [bigkas: do-nat]. Tumutukoy ang "burikit" sa isang patutot na naghahanap-buhay sa mga bahay-aliwan, bar, klab, bahay-diskuhan, at iba pang aliwang panggabi. Nagmula ang salitang "donut" mula sa Ingles na doughnut. Isang walang-paggalang na katawagan naman ang "japayuki" (bigkas: dya-pa-yu-ki) para sa isang Pilipinang nagtatrabaho bilang tagapagbigay ng saya o panandaliang aliw, sumasayaw at kumakanta habang nasa Hapon. Nag-ugat naman ang GRO o G.R.O. mula sa Ingles na guest relations officer o guest services officer, isang "tagapagpasinaya" ng mga "bisita" o hostes.[1] Dinaglat ito upang maging isang magalang at nagpapahiwatig na katawagan lamang para sa isang kilala at lantad na patutot.
Meron mga pastorat ministro na para wag masaktan ang kapwa tao pinapalitan yung totoo, pinapagaan ang salita, hindi dapat ganun sabi ng Dios wag babaguhin ang nakasulat. Yung mga salitang yaon na sinasabi ng society natin na pagmumura kahit hindi naman dahil nasa Biblia din naman ito ay dapat inuukol lamang dun talaga sa mga loko, o kaya sa talagng tanga o sa talagang patutot, hindi naman dapat mangimi ang isang Mangangaral kasi meron naman talagang tagalog na salitang ganun, ang masama ay murahin ka ng ganun eh! halimbawa sabihan ka ng puta ang ina mo pero hindi naman ganun ang nanay mo..yun ang panlalait sa kapwa, yun ang pagmumura. Hindi pagmumura kung sinasabi ang katotohanan.
Kahit si Propeta Samuel ng nagalit kay Jonathan sabi niya:
1Samuel 20:30 Nang magkagayo'y nagalab ang galit ni Saul laban kay Jonathan, at sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay anak ng masama at mapanghimagsik na babae, hindi ko ba nalalaman na iyong pinili ang anak ni Isai sa ikahihiya mo, at sa ikahihiya ng kahubaran ng iyong ina?
Sinabihan niya ng "Ikaw ay anak ng masama at mapanghimagsik na babae" Sa iba na hindi nakakaunawa ng tamang paggamit ng salita sasabihin nila nanlait si Propeta Samuel.
Ang Panginoong Hesus sinabihang "ASONG GUBAT" si Herodes:
Luke 13:31-32 Dumating nang oras ding iyon ang ilang Fariseo na nagsabi sa kanya, "Lumabas ka na at umalis dito, sapagkat ibig kang patayin ni Herodes." At sinabi niya sa kanila, "Humayo kayo at inyong sabihin sa asong-gubat na iyon, 'Narito, nagpapalayas ako ng mga demonyo at nagpapagaling ngayon at bukas, at sa ikatlong araw ay matatapos ko ang aking gawain.
Kahit po si Apostol Pablo ay sinabihan na SATANAS ng Panginoong Hesus dahil sa kaniyang ginawa:
Matthew 16:23 Datapuwa't lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao.
Pati mga Pariseo sinabihang ULUPONG:
Matthew 12:34 Kayong lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.
Si Apostol Pablo sinabihan niya ng ANAK NG DIABLO ang Mangagaway:
Acts 13:10 At sinabi, Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan, ikaw na anak ng diablo, ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa mga daang matuwid ng Panginoon?
Sana po makatulong sa iba ang mga paliwanag na ito na maunawaan ang dahilan kung bakit nagsasalita ng ganung pananalita ang aming Mangangaral na sa pananaw ng iba ay pagmumura daw yun. Ang aming Mangangaral ay prangka po, matatanong mo siya ng personal sa aming Bible Expostion, kahit siraan pa siya , kagalitan ng tao, pintasan at palitawing masama at sinungaling sa madla ay mananatili kaming mga tunay na magkakapatid sa Iglesia ng Dios na pinapangaral niya na mula sa ating Dios Ama at Panginoong Hesus.
Salamat sa Dios!
Bro. Eli. Paki change lang po yung talata nang roma 1:2. Dapat po roma 1:22, baka lang po nagkulang po ang inyong pag type. Sana po mapansin ninyo ito. Lumito kasi ang ulo ko dito, baka magtataka ang bumabasa nito. Salamat sa Dios!
ReplyDeleteSa mga hindi pa lubusang kilala ang aming Mangangaral at sa mga hindi namin kapananampalataya pinipintasan nila ang pagsasalita niya ng mga salitang gaya ng gago, tanga, tarantado, walang hiya at binansagan pa nila na palamura.
ReplyDeletebrother magandang umaga po😇
tama po ba yan brother?
ito pa kasi ang alam kung tama po😇 BASA BROTHER 😇
mateo 5:22 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.
Napakamali po na kailangan sabihan pa ng gnyang salita ang iyong kapatid..nawa'y kung hindi sya naging tama sa knyang gnawa o ngkamali sa knyang naging disisyon..bilang anak ng Diyos wag po tayo sana magsalita ng ikakasakit o ikabababa ng ating kapatid lalo na kung ikakasakit ng kanyang damdamin..nawa'y bigyan natin sya ng mga salita na mgbibigay sa kanya ng pag asa upang lalo sya mgkaroon ng lakas ng loob upang subukan muli nia ang bagay n kung sya man ay ngkamali..wag po natin hamakin sa mga sakitang masakit o walang kabuluhan..
ReplyDeleteNapakasakit lang lsipin kung bakit madami ang nabubulag sa gnyang pangaral..
Ang pananalita dapat may kinauukulan.
DeleteIsang verse lang po ibibigay ko
ReplyDeleteHalimbawa nalaman ko yung ina ko babaeng bayaran pala sa club sinabihan ko syang "Putang ina ka" kahit alam kong mahal aq ng magulang ko
Wikipedia.org
Ang katagang putang ina ay isang mura na kadalasang ginagamit na panlait o ekspresyon. Tinuturing ito na lapastangang pananalita na patungkol sa ina ng isang tao. Hango ang salitang puta mula sa Kastila na nangangahulugang isang babaeng mababa ang lipad o bayarang babae.
Ngayon eto naman
Efe. 6:2: "“Igalang nʼyo ang inyong amaʼt ina.” Ito ang unang utos na may
kasamang pangako."
Wikipedia.org
Sagot: Ang paggalang sa ama at ina ay ang pagpapakita ng respeto sa kanila sa salita at sa gawa at pagkakaroon ng mataas na pagtingin sa kanilang posisyon bilang mga magulang. Ang salitang Griyego sa "paggalang" ay nangangahulugan ng "pagpipitagan at pagpapahalaga." Ang pagbibigay galang ay pagrespeto hindi lamang dahil sa merito kundi dahil din sa ranggo. Halimbawa, may ilang Pilipino na maaaring tumutol sa desisyon ng presidente, ngunit dapat na mayroon pa rin silang paggalang sa kanyang posisyon bilang lider ng bansa. Gayundin naman, ang mga anak sa lahat ng gulang ay dapat na igalang ang kanilang mga magulang kahit na ang kanilang mga magulang ay hindi "karapatdapat" sa kanilang paggalang.
Nasaan ang pag galang sa kahulugan ng putang ina?? Paki sagot po yan
Kahit pala puta ang ina ko maling sabihan sya ng ganun bilang pag galang..right??after nya pag nag reply na kayo may isang verse uli akong ibibigay na mas matibay pa dyan
ReplyDeleteRomans 1:2 Sila’y mga lokong nagmamarunong
ReplyDeleteAyan sabe mo pero eto ang nakalagay sa
Romans 1:2"Na kaniyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan,"
Masama yan iniiba mo yun talata, eto. Pa 1 Cor. 6:5: "(Sinasabi ko ito upang mangahiya kayo). Ano, diyata't wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid, hindi naman sya nag sabe ng walang hiya sa verse nyan eh sinabe nya bang "sinabe ko eto upang walang hiya kayo wala namang ganun eh sbe nya upang manga hiya kayo hindi walang hiya kayo hindi nya minura, kase ang sabe daigin mo ng mabuti yung masama hindi masama na nga lalo mupang sasabihan ng masama kaya masama kana rin dapat daigin mo. Ng mabuti kse yun putang ina gago tarantado hindi yan salitang mabuti tama. Db? I search mo sa Wikipedia top site yan, dpat sasawayin mo sya o papayuhan ng mabuti hindi mumurahen..
Ro. 12:21: "Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama."
This comment has been removed by the author.
Delete"Lumagay ka sa likod ko Satanas" si Pedro po ang sinabiban hindi si Apostol Pablo
ReplyDeleteTunay na kasalanan ang pagmumura, pagsumpa at panunungayaw. Malinaw na itinuturo ng Bibliya na ito ay kasalanan. Sinasabi sa atin sa Efeso 4:29, "Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig." Idineklara sa 1 Pedro 3:10, "Sapagka't, ang magnais umibig sa buhay, at makakita ng mabubuting araw, ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, at ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya." Binuod sa Santiago 3:9-12 ang isyung ito: "Siyang ating ipinagpupuri sa Panginoon at Ama; at siyang ating ipinanglalait sa mga taong ginawang ayon sa larawan ng Dios: Sa bibig din lumalabas ang pagpuri't paglait. Mga kapatid ko, ang mga bagay na ito ay hindi nararapat magkagayon. Ang bukal baga'y sa isa lamang siwang ay binubukalan ng matamis at mapait? Maaari baga, mga kapatid ko, na ang puno ng igos ay magbunga ng aseitunas, o ng mga igos ang puno ng ubas? hindi rin naman babalungan ng matamis ang maalat na tubig."
ReplyDelete