Pages

Thursday, February 18, 2016

Pananaw ng Biblia sa Same Sex Marriage



Nitong nakaraang mga araw naging trending sa  social media ang naging pahayag ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ng tanungin siya kung pabor ba siya sa pag-promote ni Pres. Obama ng gay marriage ang sagot niya hindi siya pabor subalit nagbitiw siya ng paghahalintulad ito ang kaniyang pahayag:




"Commonsense lang. Makakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalaki o babae sa babae? Mas mabuti pa yung hayop, marunong kumilala kung lalaki o lalaki kung  babae o babae...ah! diba. ngayon kung lalaki sa lalaki o babae sa babae eh! mas masahol pa sa hayop ang tao".


Maraming nag-react nagalit sa kanya lalo na ang LGBT community, ang mga kilalang TV personalities ay nagalit ng sobra at naghiganti din ng mga salitang pang-atake. Siguro dahil  may mga tao na isinasama yung kanilang sarili sa comparison ni Manny sa tao at sa hayop kaya nasaktan. Hindi  naman masasaktan kung hindi  ginagawa commonsense  siguro dahil gawain kaya normal na mag-against sa sinabi ng boksingero. Tinanggal din ng kumpayang NIKE ang kontrata niya sa athleta dahil ang kumpanyang ito ay matagal ng sumusuporta sa LGBT.

Tama naman na hindi dapat suportahan ang same sex marriage kung kinikilala natin ang ating sarili na  tunay Kristyanong sumusunod sa aral  ng Biblia. Maraming tao na against sa Bible kaya kung magibitaw tayo  ng salita  mula sa diwa ng Biblia ay makakagalitan tayo ng mga taong ito, dahil sa laban ito sa kanilang gawain.


Mali daw ang comparsion niya na tao sa hayop, sa pananaw ng nasaktan syempre masakit sa kanila yun. Dapat din natin maunawaan na  minsan kahit tayo kapag nakikita natin ang isang tao na gumagawa ng kasamaan na hindi normal na ginagawa ay kinukumpara o sinasabihan natin ng hayop. Gaya halimbawa ng isang rapist na ni-rape ang kanyang anak,magulang o ng mga bata at babae, mga mamatay tao ang tawag  dun ng iba ay hayop dahil sa kanilang masamang gawain. Pati mga corrupt na politicians tinatawag na buwaya, kahit ang pambansang bayani kinumpara ang tao na hindi magmahal sa sariling wika ay mas higit pa sa hayop at malansang isda.


Sa Biblia kahit ang Pangninoong Hesus tinatawag niya direkta ang mga taong may masamang gawain na  MGA ULUPONG O AHAS , ASONG GUBAT. 

Luke 13:31-32  Dumating nang oras ding iyon ang ilang Fariseo na nagsabi sa kanya, "Lumabas ka na at umalis dito, sapagkat ibig kang patayin ni Herodes." At sinabi niya sa kanila, "Humayo kayo at inyong sabihin sa asong-gubat na iyon, 'Narito, nagpapalayas ako ng mga demonyo at nagpapagaling ngayon at bukas, at sa ikatlong araw ay matatapos ko ang aking gawain. 

Matthew 12:34  Kayong lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.

Kahit ang mga bulaang Pastor tinatawag ng Dios na ASO:


Isaiah 56:11  Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang. 


May mga tao talaga na pinanganak na talagang mga hayop:


2Peter 2:12  Datapuwa't ang mga ito, na gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol. 

Titus 1:12  Sinabi ng isa sa kanila rin, ng isang propetang sarili nila, Ang mga taga Creta kailan pa man ay mga sinungaling, masasamang hayop, matatakaw na mga tamad. 


Hindi ko naman po kinakampihan si Manny Pacquiao dahil bilang tao ay mayroon din siyang mga gawa na laban sa nakasulat sa Biblia, gaya ng nagkaroon siya ng babae dati, o yung Boxing na isang sugal. Sabi ni Manny hindi naman siya tutol sa pagiging bakla o tomboy, ang mali niya hindi muna siya naglatag ng premise bago mag-conclusion, hindi niya muna inisip na mayroon siyang masasaktan na mga LGBT, sana hindi na lang siyang nag bigay ng halimbawa. Yung sinabi niyang about sa same sex marriage na masahol pa ang tao sa hayop sana sinasabi niya yan sa kanilang church preaching kasi dun maka-clarify niya ng mabuti ang dahilan kung bakit niya nasabi yun.

Ang sa akin ay yung view na ipinahayag niya about sa same sex marriage kung yun ba ay tama na hindi dapat sang-ayunan na ipatupad ito. Alamin po natin sa Biblia kung payag ba ang Dios sa same sex marriage.

Bago yan ay alamin natin muna sa Biblia kung masama ba ang maging bakla at tomboy?

Ang karaniwang nasa isip ng marami kapag ikaw ay bakla at tomboy ang hatol  hindi ka nilikha ng Dios, kasi nga daw po  ang nilikha ng Dios sa umpisa ayon sa Biblia ay dalawa lang  lalaki at babae. Tama po yun sa umpisa Opo, pero ng dumami na tao nagkaroon na ng bakla at tomboy. Sino gumawa sa kanila? Syempre ang Dios pa rin...kasi lahat ng tao ay galing sa Dios, siya ang lumikha ng lahat ng bagay:

Acts 17:26  At ginawa niya sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa, na itinakda ang kanilang talagang ayos ng mga kapanahunan at ang mga hangganan ng kanilang tahanan; 

Colossians 1:16  Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya; 

Lahat pala ng tao na nasa sangkalupaan ay nilalang Dios, maging ito ay lalaki , babae  bakla o tomboy o ano pa man ang tawag, sila ay tao pa rin at ang Dios ang lumikha sa kanila. 
Wala pong kinalaman sa pagiging masama kung ikaw ay babae, lalaki, silahis o tomboy,bakla o bading o kahit ano pa ang tawag, walang kinalaman sa pagiging masama yun. Kasi lahat naman ng tao sa umpisa ay mabuti, nung bata pa  mabuting tao pa tayo wala  pa naman tayong ginagawang masama, kaya walang kinalaman sa sex gender yung pagiging masama.

Sa ibang tao kasi pagsinabing bakla o tomboy automatic ang label nila ay masamang tao na agad. Mali hatol po yun, dahil ang pagiging straight na lalaki o straight na  babae ay hindi nangangahulugan na mabuti ka ng tao. May lalaki o babae na mabuti meron ding masama, may bakla o tomboy na mabuti at meron ding masama kaya hindi po basehan ang sex gender para sabihin na dahil bakla  o tomboy ay masamang tao na agad.Yung mga taong humahatol sa mga bakla at tomboy ay wala pong alam yun sa katuwiran ng Biblia ukol diyan.


Ang nagpapasama sa tao ay yung kasamaan na kaniyang ginagawa pero kahit meron mang kasamaaan pero hindi naman  ginagawa at  lumalayo naman, hindi ka magiging masama:

1Thesalonians 5:22  Layuan ninyo ang bawa't anyo ng masama. 

Ibig sabhin para maging mabuti tayo lalayuan pala natin ang anyo ng masama at paglumayo ka hindi ka masama, kaya kahit bakla o tomboy ka kapag lumalayo ka sa masama hindi ka tatawaging masamang tao. Kaya mali yung sinasabi ng iba na  komo pinanganak na tomboy o bakla masama kana agad sa Dios.


Meron nga akong naka-usap na ang sabi niya ang nilikha ng Dios ay babae at lalaki lang walang bakla at tomboy. Tinanong ko kung hindi Dios ang lumikha sa bakla at tomboy eh!sino? ang sagot ang demonyo o si Satanas daw. sinundan ko ng isa pang tanong sabi ko: ibig mo bang sabihin bukod sa Dios na kinikilala mong Creator ay kinikilala mo ring Creator si Satanas? Saang verse na lumikha din si Satanas ng tao  na bakla at tomboy mula sa alabok?
Hindi na sumagot.


Balikan natin yung issue ng same sex marriage, pinapauna ko po na sa aming kinaanibang Iglesia ay hindi namin tinatakwil ang mga bakla at tomboy, hinihikayat namin sila na makaalam ng katotohanan, katunayan marami po kaming kapatid na mga ganyan. Ang tinututulan lang namin ay ang same sex marriage kaya kung ikaw na nagbabasa ngayon ay isang  LGBT ay pasensiya na po kasi bubuklatin natin ang nakasaad sa Biblia na  katotohanan tungkol sa issue na ito. 

Hindi po pinapayagan ng Biblia ang same sex marriage sapagkat ang kasunod pagkatpos nito ay sexual act ng magparther. Malinaw po sa Biblia na ang homosexual sex  ay isang immoral at kasalanan, lilinawin ko lang po hindi kami laban sa mga bakla at tomboy kundi yung gawa na  gagawin nila na karumaldumal sa Dios:

Leviticus 18:22  Huwag kang sisiping sa lalake ng gaya sa babae: karumaldumal nga. 

Leviticus 20:13  At kung ang isang lalake ay sumiping sa kapuwa lalake, na gaya ng pagsiping sa babae: ay kapuwa sila nagkasala ng karumaldumal: sila'y papatayin na walang pagsala: mabububo ang kanilang dugo sa kanila.

Ang Dios po ay hindi nagtatangi  ng tao kaya kahit ano pa ang gender  maging lalaki o babae ang hatol niya ay patas kapag nakipagtalik sa kaparehong gender ang babae o lalaki  ay paparusahan, sapagkat karumaldumal sa Kaniyang paningin. Baka naman mangangatuwiran ang ibang LGBT na sa Old Testament pa yan, puntahan natin ang New Testament naman.



Sumulat si Apostol Pablo kay Timoteo tungkol sa mga kasalanan na laban sa aral ng Biblia ang sabi niya:

1Timothy 1:9  Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao, :10  Dahil sa mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban sa mabuting aral; 

Ang kautusan po ay ginawa para sa makasalanan at mga gumagawa ng kasamaan kabilang na diyan ang nakikiapid sa kapuwa lalaki. Sinasabi niya na ang gawang homosexual sex ay isang kahalayan na  hindi nararapat:

Romans 1:26  Dahil dito'y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita: sapagka't pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo: :27  At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa't isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapuwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali. 

At hindi magmamana ng kaharian ng Dios:

1Corinthians 6:9  O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake. 

Malinaw sa nasusulat na  ang pakikipagtalik sa kaparehong gender ay hindi pinapayagan ng Biblia ibig sabihin ang same sex marriage ay hindi kalooban ng Dios  kundi ito ay kasalanan. Hindi ko po ito  sariling opinion kundi galing sa Biblia, paparusahan ng Dios ang gumagawa ng kasalanan at kasamaan.

Revelations 21:8  Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan. 

Hindi makakapasok sa kaharian ang anumang bagay na karumal-dumal, at ayon sa Biblia ang pakikipagtalik sa kapwa parehong kasarian ay karumal-dumal.

Revelations 21:27  At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero. 
Pero kahit ikaw ay isang bakla o tomboy mayroong ka pong pag-asa na maligtas..click ang link sa baba:



Kung mayroon pong mga masasakit na pahayag ang post na ito na laban sa LGBT ay pasensiya na kailangan lang po maipahayag ang Salita ng Dios. Kung may mga katanungan po kayo maaring magsadya sa aming ginaganap na Bible Exposition upang magtanong personal sa aming Mangangaral.

Salamat sa Dios!




6 comments:

  1. Ngayon maliwanag na sa akin
    Na kasalanan pala ang pakikipag talik sa kaparehong kasarian Sa mata ng Diyos

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opoh sobra po.Pinapaliwanag lang po dahil yun po yung naksulat sa Bible eh.Kahit balibaligtarin po talaga wala eh.

      Delete
  2. Ngayon Alam ko na, makasalanan ako

    ReplyDelete
  3. church of god po ba relihiyon nyo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana po mapansin nyo☺️😊

      Delete
    2. member po kami ng church of God, umanib po kami sa Iglesiang nasa biblia. Proud MCGI , Salamat po sa Dios

      Delete