Naging viral sa social network especially sa FB ang ngyaring fashion show ng Bench na-pinamagatang 'The Naked Truth' na nilahukan ng mga kilalang artista at mga modelo. Sa show ay nirampa ng bawat modelo ang mga kasuutang gawa ng Bench tulad ng bra, panty, brief etc...sa event na yun ay halos nakahubo na ang mga modelong rumarampa sa stage..hindi ko malaman kung ang garments ang binebenta o ang kanilang sariling mga katawan.
Tuwang-tuwa naman ang mga manunuod ng show dahil sa hayag na katotohanang nakikita nga naman nila sa satge.
Tuwang-tuwa naman ang mga manunuod ng show dahil sa hayag na katotohanang nakikita nga naman nila sa satge.
Ang nakaagaw ng pansin sa natapos na event ay ang paglakad ni Coco Martin sa stage habang may hila-hilang babae na pino-portray bilang isang animal pet niya. Nakatanggap ito ng criticism sa madla dahil sa ito ay nagpapakita ng hindi magandang impression na nakapagpababa ng tingin sa mga kababaihan.
Ito po ay bunga ng kakulangan sa aral ng Biblia at ang nasa sip lamang ng mga taong ito ay kumita ng pera at sumikat. Isa itong mahalay na gawa lalo na sa mga babae na nakalitaw ang kalahati ng suso, hita, singit, o nakabakat ang hubog ng katawan. Totoong hindi maiiwasan ng sinuman na kapag nakakita ng bahagi ng katawan ng isang babae o lalaki ang kaisipan ay nakakapaglaro ng mga bagay na masama lalo na sa may mga matang makasalanan:
2Pe 2:14 Na may mga matang puspos ng pangangalunya, at hindi maaaring maglikat sa pagkakasala; na umaakit sa mga kaluluwang walang tiyaga; na may pusong sanay sa kasakiman; mga anak ng paglait,
Sa mata pa lamang ay nakakagawa na ng pangangalunya ang mga taong ito dahil sa kanilang nakikitang katarantaduhan ng mga taong nag-susuot ng mahalay na damit, sa tingin ko nga po hindi damit ang tawag dun eh..kasi ang damit ay pantakip pero yung sa Bench paghahayag ng katawan.
Ang sabi ng Biblia ang mga tunay na Kristiyano ay pinagbabawal na magkaroon ng pita ng mata na makakapagdulot ng masasamng pita ng laman:
1Jn 2:15 Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.
1Jn 2:16 Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.
Kapag ang mata ay may nakikitang kahalayan gaya ng show ng Bench ay nakakahila ng masasamng pita ng laman. Dahil syempre ang isang lalaki halimbawa tumingin sa babae na litaw ang maseselang bahagi ng katawan nito ay makakapagpapapuspos sa mata ng masamang isipin na siyang pangangalunya:
Mat_5:28 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.
Ang Bench fashion show ay lumabag sa aral ng Dios sa mga Kristiyano sapagkat nagbebenta sila ng mga damit na nakakapag-dulot ng kahalayan sa paningin ng mga nakakakita, pinasuot ang mga lalaki at babae na halos hubo't hubad na para lang mapansin yung produkto nila. Hindi po dapat ganun ayon sa Biblia, bawal po mga kapatid:
1Ti_2:9 Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;
Lumabag din sa aral ng Biblia ang mga artista at modelong sumali sa show sapagkat pinagamit nila sa Bench ang kanilang katawan bilang sangkap ng kalikuan na hindi dapat gawin:
Rom_6:13 At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios.
Imposibleng hindi alam ng mga models ang rules nila sa show bago pa nila ito gampanan..malayo pa lang ang petsa ng show ay nakapirma na sila kung ano ang kanilang sususuutin during show. Kaya lang dahil nga ang minsan may mga tao ang hinahapa ay kumita ng pera at para hangaan ng tao na hindi nila iniisp ang resulta ng kanilang gawa kung ito ba ay maka-Kristiyanong pamumuhay.
Ang mga damit na mahahalay ay hindi karapatdapat isuot ng isang tunay na Kristiyano, ang mga taong ito ay nagpapanngap lamang na sila ay Christians na nakakakilala sa Dios pero kinakaila ng kanilang mga gawa..
Tit_1:16 Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti.
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment