Thursday, October 2, 2014

Batas pa ba ang pagbibigay ng IKAPU o TITHES, 10% sa mga Kristyano?

Karamihan sa mga pastor ngayon ay ginagawang pagkakakitaan ang relihiyon gamit ang mga talata ng Biblia dahil ito ang pinakamabilis na paraan para yumaman kasi walang puhunan at wala ding  tax na binabayaran sa gobyerno meaning buo ang makokolekta ng mga pastor.

Ang isa sa kanilang ginagamit na batayan para makakolekta ng salapi ay ang paggamit ng verse ng Malachi 3:10 na nilalapatan ng sarilng intpretasyon para makalikom..basa po tayo:

Mal 3:10  Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan. 

 
Ayan po ayon sa sariling pagka-unawa ng mga pastor dapat na magbigay ng ikapu at kapag hindi magbigay ay ninanakawan daw ang Dios. Syempre bilang taong sumasampalataya sa salita ng Dios  matatakot ka kaya mapipilitan kang gawin ang utos na ito. Sa katotohanan po hindi naman  nangangailangan ng Dios ng ikapu o anumang bagay... basa po tayo:



Act 17:25
Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, na para bagang siya'y nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay;

Ang utos na ikapu  sa Malachi 3:10 ay kautusang ibinigay ng Dios sa mga saserdote Levita na dapat sundin  ng mga kapatid nilang mga Israelita...takenote po sa panahon ng mga Israelites sa lumang tipan  po ang batas ng IKAPU ay bahagi ng kautusan ni Moises mula sa Dios para sa mga Israel at hindi sa panahon ng Kristiyano sa bagong tipan...basa po tayo nasa aklat ni Propeta Malachi din mismo:

Mal 4:4 
Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga'y ang mga palatuntunan at mga kahatulan.

Ang binigyan ng kapamahalaan ng Dios na kumuha ng IKAPU sa labing isang tribu ng Israel ay ang tribu ni Levi na mga saserdote Levitas...basa po tayo:

Heb 7:5  At katotohanan ang mga sa anak ni Levi na nagsisitanggap ng katungkulang saserdote, ay mayroong utos na kumuha ng ikasangpung bahagi sa bayan ayon sa kautusan, sa makatuwid ay sa kanilang mga kapatid, bagama't ang mga ito ay nagsilabas sa mga balakang ni Abraham:

Itong mga pastor hindi naman kasama sa pagiging saserdote levitas ay ang kakapal ng pagmumukha na ginagamit ang batas na ito para makakuha ng kwarta sa mga walang malay na mga members.
Ang dahilan kung bakit  iniutos ng Dios ang pagkuha ng IKAPUo ikasampung bahagi ay para magkaroon ng pagkain ang mga saserdote levitas ...basahin po natin ulit ang Malachi 3:10...

Mal 3:10  Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay,

Maliwanag po na ang mga Levites ang may karapatang kumuha ng ikapu sa kanilang mga kapatid na Israelita ( may labing dalawang tribu po ang Israel) para sila ay magkaroon ng pagkain. Dahil ang mga saserdote Levita ( tribe of Levi)  ay bawal maghanapbuhay sapagkat sila ang inatangan na mangasiwa sa paglilingkod sa sanctuario ng Dios kaya para  magkaroon ng makakain ay binigyan sila ng kautusan na  inuutusan ang nalalabing labing-isang tribo ng Israel  na magbigay ng ikapu sa kanila.

Kapag natanggap na ng mga saserdote Levitas  ang ikapu  ay kukunin din naman doon  ang ikapu ng ikapu para ihandog sa Dios at kung nabasa nyo po ang Lumang Tipan  ang paraan ng paghahandog  ng mga Levita ay sa pamamagitan ng pag-susunog sa hain.


Exo_20:24  Isang dambanang lupa ang inyong gagawin sa akin, at inyong ihahain doon ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan, ang inyong mga tupa, at ang inyong mga baka sa lahat ng dakong aking ipaaalaala ang aking pangalan, ay paparoonan kita at pagpapalain kita.

Num 18:26  Bukod dito'y sasalitain mo sa mga Levita, at sasabihin mo sa kanila, Pagkuha ninyo sa mga anak ni Israel ng ikasangpung bahagi na aking ibinigay sa inyo mula sa kanila na inyong pinakamana, ay inyong ihahandog nga na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ang ikasangpung bahagi ng ikasangpung bahagi.

Kung talagang sinusunod ng mga pastor ang utos ng ikapu na sinasagawa ng mga Israelita sa panahon ng lumang tipan ay dapat ang ikapu na nakokolekta nila sa kanilang members ay  kukuha sila ng ikapu nito at susunugin. Ang mga Israelita ay hindi pinanghihunayangan ang mga ikapu na kanilang sinusunog pero tiyak hindi po papayag ang mga pastor na yung ikapung pera na nakolekta ay susunugin ang ikapu pa nito. Malaking pera po kasi yun  ito halimbawa na lamang kung ang isang member ay sumasahod sa isang buwan ng 10, 000 pesos ang ikapu nito na 1,000 ay ibibigay nila sa kanilang pastor.

Eh! hindi lang naman 10 ang members nila..halimbawa isang milyon ang members at ipagpalagay natin ang lahat ay may avearge na salary  ng 10, 000 pesos so tuwing end of the month may isang milyon pesos  na makokolekta ang mga pastor at ang ikapu ng 1 milyon ay 100, 000 pesos ay dapat sunugin kung talagang consisitent sila sa pagsunod sa utos ng ikapu sa Malachi 3:10 na ang may karapatan lamang ay ang mga saserdote Levitas at hindi kung sino-sino lang na makabsa nito.

Ayon kay St. Paul sa sulat niya sa Hebrew ang lipi ni Levi na mga hinirang na saserdote ang may kautusan nito pero ng dumating ang ating Panginoong Jesus ay pinalitan na ang pagkakasaserdote at kailanagan rin palitan ang kautusan.


Heb 7:12  Sapagka't nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan.

Ang pumalit na saserddote ay ang ating Dakilang Saserdote ang ating Panginoong Jesus na lalaong higit sa mga saserdote Levitas:

Heb 9:11  Nguni't pagdating ni Cristo na dakilang saserdote ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi gawa ng mga kamay, sa makatuwid baga'y hindi sa paglalang na ito, 
 
Ngayon ano po ang kautusan na dapat isagawa ng mga Kristiyano? basa po tayo...

2Co 9:7  Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.


Sabi po magbigay tayo ayon sa pasya ng ating puso meaning hindi napipilitan, walang nakatakdang halaga, kahit magkano ayon sa pasya ng puso at hindi ayon sa dikta ng pastor kung magkano ang ibibigay natin depende sa sinasahod ng member.

Dahil iniibig ng Dios ang nagbibigay ng masaya at hindi yung tinatakot ng pastor na na kapag hindi magbigay ng ikapu ay ninanakawan ang Dios.
Katunayan pa na ang  mga utos sa lumang tipan gaya ng pagbibigay ng ikapu ay pinalitan sa bagong tipan..basa po tayo:

Heb 8:13  Doon sa sinasabi niya, Isang bagong tipan, ay linuma niya ang una. Datapuwa't ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas. 

Ang mga kautusan sa Lumang Tipan ay nananatili lamang hanggang sa kay St. John at ang Gospel na ang ipinapangaral:


Luk_16:16  Ang kautusan at ang mga propeta ay nanatili hanggang kay Juan: mula noo'y ang evangelio ng kaharian ng Dios ay ipinangangaral, at ang bawa't tao ay pumapasok doon na nagpipilit.


Kaya wala na yung utos na ikapu na nasa lumang tipan hindi na po ito batas sa ating mga Kristiyano  dahil ang pinagangaral ng mga Apostol ay ang bagong tipan na..basa po tayo:


2Co 3:6  Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga ministro ng bagong tipan; hindi ng titik, kundi ng espiritu: sapagka't ang titik ay pumapatay, datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay.


Yan po malinaw ang pagkasulat na ang Bagong Tipan na ang pinapangaral ng mga Apostol...tuloy pa natin sa  verse 7 hanggang 8...basa po tayo:

2Co 3:7  Nguni't kung ang pangangasiwa ng kamatayan, na nasusulat, at nauukit sa mga bato, ay nangyaring may kaluwalhatian, ano pa't ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises, dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha; na ang kaluwalhatiang ito'y lumilipas:
2Co 3:8  Paanong hindi lalong magkakaroon ng kaluwalhatian ang pangangasiwa ng espiritu?


Ayan po ang pangangasiwa ni Moises sa lumang tipan ay maluwalhati pero ang pangangasiwa ng espiritu na nsa bagong tipan ay mas lalong mas maluwalhati kaysa sa pangangasiwa ni Moises.

Napatunayan natin na magkaiba talaga ang Bagong Tipan sa Lumang Tipan at sa Bagong Tipan ang dapat sundin ng mga Krisstiyano ay ang pagbibigay ng masaya AYON SA PASYA NG PUSO at hindi ikapu na pinagdidiinan ng mga pastor sa kanyang mga members.

Salamat  sa Dios!




44 comments:

  1. Tama na ang paninira mo sa mga pastor..Kung kami na mga nagbibigay ng ikapu ay walang reklamo, bakit kayong mga hindi sang ayon sa pagbibigay ng ikapu ang masyadong maingay? Ang pagbibigay ng ikapu ay hindi sapilitan ito po ay kusa at bukal sa loob na pagbibigay...malinaw po na sinasabi sa Malakias 3:10 na ibigay ng buong-buo ang ikapu upang matugunan ang pangangailan ng templo ng Diyos Yun ang po ang Iglesia

    Malakias 3:10 " Ibigay ninyong buong-buo ang inyong mga ikapu upang matugunan ang inyong pangangailangan sa aking templo. Subukin ninyong gawin ito, Kung hindi ko buksan ang mga durungawan ng langit at ibuhos ang sa inyo ang masaganang pagpapala."

    10% Lang po ang hinihingi ng Diyos sa atin Para magamit sa mga pangangailangan ng kanyang templo.. Bakit pa ninyo yon ipagdadamot? Wag ninyong kalimutan na ang lahat ng bagay sa Mundo ay pag aari ng Diyos Kaya wag ninyo itong ipagdadamot sa kanya..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag ng ptulan mga gnyang issue...
      Halatang di ngbbasa ng biblya yn...
      Natatawa nlng aq s ka mangmangan ng mga tao ... haha ..

      Delete
    2. Kapatid hindi naman paninira yan.. sinasabe dahil may verse.. paninira ba sayo ang magsasabe ng toto0?! ...

      Delete
  2. ito bay obligado ng mga kristiyano?paano kng walang trabaho?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang trabaho,walang kita so wala pong ikapu,Hindi naman po totoo na sa pastor napupunta ang ang ikapu,yan po ay ginagamit sa pagpapalaganap ng gawain ng Dios dito sa lupa.Tulad po,kung umuupa po ng bahay sambahan,gagamitin po yan doon at sa iba pang pangangailangan ng simbahan.Isa rin po akong Kristyano,at ako ay nagse serve sa Dios ng walang bayad.So huwag po natin agad na i judge ang mga pastor o ibang Kristyano.

      Delete
    2. ang panginoon ang may ari ng lahat ng bagay subalit ang pera o pangangailangan ng tao ay para sa tao kayat mahal tayo ng panginoon gusto lamng ng panginoon na sumunod tayo s akaniya subalit pagdating sa mga bagay na gawa ng tao pera o umiikot na bagay makabagong teknolohiya lahat ng iyqn pagmamayarai ng panginoon subalit ang salapi ay hundi kailngan ng diyos pisikal paano pa kaya kung bumaba siya sa kalupaan ano pa kaya ang kikilanganin niyo? ang bibliya o ang diyos na muling mag babalik. napakarami nang relihiyon mga paniniwala subalit iisa lamang ang diyos at itoy pinag mumulan ng gera awayan talunanbsakitan o patayan kung hindi nagkakagustuhan ang panig tama po ba na maraming relihiyon kulturat paniniwala ang wikang ingels bilang pilipino tama ba na kausapin mo ang kapwa mo pilipino ng english kyng ang kausap mo ay hindi nakakaintindi ng english kayat sana ay maunawaan natin lahag ang pagkakaunawaan s abawt isa
      bakit kailangan pa ntin ng pera? kung may diyos ka nmn sa buhay mo? kapag namatay ang pisikal na pangangailangn magagawa pa ba natin ang spirtual na pamumuhay ntin sa panginoon?

      Delete
    3. Kung wala kang income, walang ikapu. Kasi ang mas importanteng handog naman na gusto ng Diyos ay ang sarili mismo natin.

      Delete
  3. ang tinutukoy po ni Pablo sa 2 corinto chapter 9 ay mga abuloy na kinokolekta... baaahon po ang buong chapter.. kaya hindi po ito puedeng panghawakan ng kahit sino panlaban sa tithes dahil ito rin naman ay ibinibigay ayon sa pasya ng puso ng tunay na Kristiano at hindi sapilutan. pangalawa . yung tungkol sa luke 16:16 ituloy niyo lang pagbasa hanggang luke 16:17 at mauunawaan niyo na hindi nawawala o mawawala ang kautusan ng Diyos.. Hindi yan obligado... kung ayaw niyo huwag niyo ang sagot po dyan... Pero para sa mga tunay na Kristiyano ito po ay bunga ng pananampalataya na maging tapat sa Panginoon at kilalanin Siya bilang Siyang May ari ng lahat ng kung anuman ang meron tayo.. Hindi kailangan ng Diyos ang Pera natin... pero ito ay sukatan ng katapatan kung hangang saan mo kayang magtapat sa Kanya bilang Ating Panginoon... katulad ng Handog pero higit na mas mataas na pagdakila sa Diyos.... Ngayon... Kayo bang mga hindi nagbibigay ng Ikapu ay nag hahandog man lang? mabuti kung oo... kung hindi ay igalang n lamang ang mga nagtatapat sa Panginoon.. God bless...

    ReplyDelete
  4. sa panahon ngayon panahong kristiano sa biyaya lamang ng Diyos tayo ay nabubuhay sa pagbibigay ay ayon sa pasya ng puso marapat na ibigay yun higit pa sa 10 posyento dependi sa pasya mo.kung talagang nasusulat pa yun utus sa ikapu we are living by works.not by grace sayang naman pagkatubos ni lord sa atin kung ganyan....basa din po

    ReplyDelete
    Replies
    1. May kabuluhan at tama naman po yung mga sinulat nyo po kaso lang medyo nakaka offend po sa iba, baka po kasi ma misinterpret po nila na may galit ka sa kanila. okay na po yung maipagbigay alam sa kanila kung ano po yung nakasulat sa Bible po. God bless po sa ating lahat.

      Delete
  5. Kapatid' Isa akong born again' isang mananampalataya at isaring kabahagi sa katawan ng Panginoong Hesus' tanong ko lang po' Mali ba at masama ang ginagawa o patuloy na pagsunod ko sa pagbibigay NG ikapu? Magagalit ba ang Diyos saakin o malulungkot siya? Dahil sa Hindi ko pagsunod sa talata na sinabi mo sa 2 Corinto 9:7
    Magagalit ba sya? Malulungkot? O paparusahan nya ako? dahil sa patuloy na pagsunod ko sa ikapu. Diba masarap paring magbigay ng Tapat kahit alam mong Wala na kamo o binago na ang kautusan patungkol sa ikapu'

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tanong lang po:Transparent po ba ang mga Pastor kung magkano nakokolekta nila at kung saan napupunta ang mga binibigay niyo na ikapu, hindi kaya sobra sobra na yon kung bawat meyembro magbibigay, halimbawa 100 ang member at sumasahod ng 10k sa isang buwan at nagbibigay lahat yon ng ikapu, ibig sabihin may 100k na ikapu kada isang buwan o higit pa. . .tapos may mga trabaho din ang ibang pastor maliban sa pagiging isang pastor ibig sabihin hindi na niya kailangan ng pera galing sa ukapu para sa kanya at sa pamilya niya. Kaya tingin ko sobra sobra po yon para sa gagamitin sa pagtuturo nila sa mga miyembro...

      Delete
    2. kapatid, kung ikaw ay isang aktibong myembro sa church na kinabibilangan mo, maari kang magtanong sa pastor, alamin mo kung paano pinamamahalaan ang buong mga gawain ng church. kasi po, iba iba ang mga simbahan, mayroong simbahan na hindi sa pastor napupunta ang tithes and offerings dahil iyun ay pinamamahalaan ng isang organisasyon o kaya ng church council, kung saan may mga inihahalal din na treasurer at iba pang officers nang sa ganun ay magkaroon ng transparency ang lahat ng bagay. may mga churches na mayroon financial statement at ang pastor ay binibigyan lamang ng honorarium. kaya maganda po na alamin muna at kilalanin ang polity ng church na iyong kinabibilangan. - huwag maging myembro na "Simbawi" - yung tipong linggo lang makikita sa simbahan tas nagmamadali pa lagi sa pag uwi.
      God bless po!

      Delete
    3. Sir Kaibigan, pwede naman po sana kung ganun lang po kadali mag tanong, kasi po para mo narin po siyang ini imbistigahan pag ganun. bale po parang awkward po talaga magtanong ng direkta po sa pastor tapos baka rin po hindi rin satisfactory yung maging sagot. So medyo po maraming factors na e coconsider po. Salamat po.

      Delete
  6. Kapatid buksan mo ang iyong mga mata...
    Maluwag na magbigay para sa Diyos ng ikapu ...sa totoo lang napakamapagpala ang ating Dyos at wla taung pag aari dito sa Mundo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaso po tao po yong pinagaabotan ng ikapu hindi naman direktang ibibigay mo sa Diyos yon kaya posibleng naibubulsa din yon. Pera ang isang dahilan ng pagkakasala nating mga tao.

      Delete
    2. kung nagbibigay po kayo ng puno ng pagdududa sa inyong kapwa, hindi kayo sa Diyos nagbibigay kundi sa tao. Ang Diyos ang gaganti sa mga taong ginagamit Siya para lamangan ang kapwa. God knows the heart. magbigay ng may kagalakan at walang pag aalinlangan.

      Delete
    3. tama po kayo kung labag sa loob wag magbigay at irespeto na lng ang mga ngabibigay ng ikapu kapag pinilit kayo ng mga pastor niyo mali rin po un kaya wag magbigay pag ganun kasi nga di bukal sa loob.

      Delete
  7. ok lng po ba sa maliit na simbahan, meron po ba tlgang allowance ang pastor renta ng bahay ng pamilya nya at philhealth? sa tithes po ba tlga kailangan kunin yun?

    ReplyDelete
  8. kapatid, karamihan sa mga pastor na full time sa ministeryo ay talagang sa honorarium umaasa na siya rin namang itinatakda lamang ng church council kung magkano. hindi po lahat ng pastor ay sila rin ang tumatanggap ng lahat ng tithes and offerings ng myembro. Ang isang local church na nakapaloob sa isang malaking organization o samahan ay mayroong sinusunod na constitution and by-laws. at marami sa mga simbahan na ang highest aproving body ay ang kongregasyun kaya hindi pwede basta basta ibulsa lamang ng mga pastor dahil ang kabuuan ng finacial statement ay nirereport annually sa congregasyun. Mahalaga po na wag nating lalahatin ang mga Pastor na gaya ng sinasabi ng may akda ng blog na ito na nagpapayaman ang mga pastor. Kung tayo po ay lumalalim sa pananampalataya, hinding hindi tayo magbibigay ng ikapu o anumang handog na napipilitan lamang o dahil ginamitan tayo ng verses na panakot mula sa Bible. At kung susundin nga talaga natin ang sinabi ni Jesus na magbigay ng bukal sa ating kalooban, at alam nating sa Diyos nagmumula ang lahat ng meron tayo, baka nga hindi lang 10% ang kaya nating ibigay... God bless po sa inyo at nawa'y liwanagan ng Holy Spirit ang inyong kaisipan at mapuspos kayo ng karunungan mula sa Diyos. Amen.

    ReplyDelete
  9. marami po ang mga Kristiyano na barya barya lang talaga kung magbigay dahil yun lang ang maluwag sa kanilang kalooban. Barya lang dahil hindi masakit sa bulsa. pag malaki na ang ibibigay, nanghihinayang na. Pinuri ni Jesus ang babaeng balo sa Lucas 21:1-4 ibinigay nya ang kanyang buong ikabubuhay (more than pa sa 10% o ikapu niya) Nang tumingala siya, nakita niya ang mayayaman na naglalagay ng kanilang handog sa kabang-yaman ng templo. 2 Nakita rin niya ang isang mahirap na babaing balo na nag-alay ng dalawang kusing, 3 kaya't sinabi niya, “Totoo ang sinasabi ko sa inyo: ang mahirap na babaing balong iyon ang nag-alay ng higit sa ihinandog ng lahat. 4 Sapagkat lahat sila'y naghandog mula sa kanilang kasaganaan, ngunit ang babaing ito, kahit sa kanyang kahirapan ay nag-alay ng buo niyang ikinabubuhay.” Hindi tumitingin ang Diyos sa iyong handog, ki ikapu man yan o offering. God is after your hearts motive. Anu ba ang iyong intensiyon ng pagbibigay ng ikapu o offering? dahil ba sa sinabi lang ng pastor mo? dahil lang ba sa nabasa mo sa Malachi 3:10? dahil lang ba gusto mo pagpasikat dahil mayaman ka? magbigay ka out of love for God and for His ministry. God bless us all.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang ganda po ng message na ito. sana po marami ang makabasa neto para po mas maliwanagan ang lahat ng Kristiyano patungkol sa pagbibigay para sa mga gawa na para sa Dios.

      Delete
  10. Marami nmn tlagang ginagawang negosyo ang religion..na kesyo nkkpagpagaling pero skripted..tatay ko dumalo sa isang religios group n nagpapagaling daw kinauusap muna cya sa sakit nya sabihin daw na gumaling o nwala n ang sakit..pero sabi ng tatay ko sa actual..wala nmn daw nbago sa sarili nya masakit p rin nrardaman sa ktawan..marami sila nauutong tao kasi nangunguha ng abuloy na wala k.nmn nkktang.pinatatayong mga sambahan nila..

    ReplyDelete
  11. In short kung nagbabasa talaga kayo, hindi na talaga batas yang ikapu para sa mga kristiano.Magbigay man kayo ng 10 percent o hindi basta ang utos ni Kristo Hindi ikapu, kundi magbigay tayo ayon sa pasya ng ating puso. Mao sad ni wali sa among pastor gikawatan daw namo ang Dios.Mura mag manghadlok hinoon. Bass player pa naman ako ng praise and worship ministry ng JCIL. Napay waling sagul Embento ni Pastor!!!Napay simbahan nga dili hapsay ang pagsimba saba2x lang. mànulti daw ug lain-lain nga pinulongan mao paminawn ang church mura jud og mga buang nga waykalinaw. Mistel pa musultig laing pinolongan nga puro raman mi mga bisaya. Gibugu man man mi aning mga pastora...Nya experience naku ug dili naka kapahimuslan sa ilang church di pod ka tabangan.Halatang paka-aron ingnon jud. Bahalag wa nakuy relehiyon kay sa ma membro ko aning Binuang nga pagtulon-an.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahhhh walang mali sa pangangaral ng Pastor mo, sayo ang may mali. Kasi pinapangaral lamang ni Pastor mo ang salita ng Panginoon, at ayaw mo lang talaga tanggapin, kasi pagdating sa pera na pag uusapan, mahirap nang sundin, kaya nga sa pagbibigay ng ikapu, ang isyu dun hindi ang pagiging maraming pera mo or kung kaya mo o hindi magbigay, ang isyu dun ay kung handa kang sumunod ng walang pag aalinlangan, kung handa kang magbigay ng taos sa puso, ang isyu dun ang heart natin, yun ang tinitignan ng Diyos. So naiintindihan na namin, kahit saan kang pumuntang totoong Christian Church ituturo at ituturo talaga ang ikapu, sumunod kaman o hindi kailangan ituro ng ating Pastor yun, hindi ka naman pinipilit magbigay eh, pero pinatunayan mo lang na wala kang magpapamahal sa Diyos at sa gawain ng Diyos. Kung hindi ka magbibigay, hindi naman kawalan ni Pastor yun, lalong hindi kawalan ng Diyos yun. Pero sayo malaking kawalan yun!

      Delete
    2. Hindi nga po salita ng Panginoon ang ipinangangaral ng pastor sa ikapu kundi sarling interpretasyon dahil sa pera
      Binigyan na kyo ng mga passage na siyang salita ng Dios ayaw nyo lng tanggapin

      Delete
  12. Hindi nga nangangaylangan ang Dios ng mga bagay Pero kailangan ng DIOS yong Sumusunod sa kanyang mga kautusan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama iyan ang pinagpapala ng panginoon hindi niya kailangan ng bagay bagay natin kundi ang pagsunod sa panginoon

      Delete
    2. Iba ang kautusan sa israel at sa iglesia, hindi saklaw ng ikapu ang iglesia

      Delete
  13. Ang ukapu ay hindi saklaw ng kautusan.ito ay umiiral na bago pa ang kautusan ni mouses Gen 14:17-20 uto ay usapin ng ugnayan ng tao at ng Diyos sa usapin punansyal

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po kautusan yan sa panahon nila, magbigay ka ng mga talata sa bibliya luma o bago na iniutos sa iglesia ang pag-iikapu

      Delete
  14. Sa palagay ko lang sayo brod o sis Isa Kang mapanghinayang na kunong mananampalataya Kasi marahil Malaki Ang income mo na pag kinuwenta Ang kabuuang ikapo ay napakalaking halaga Ang dapat month ibigay pero ginamit mo na Lang na katwiran ay 2cor.9:7 pero gusto ko Sabihin sayo mali Ang paggamit mo sa verse na Yan mali Ang interpretasyon mo dapat basahin mo Mula verse 1 para Malaman mo Ang pinaka context ng 2cor.9 Hindi pagkakaloob direkta sa Bahay ng Panginoon Ang isyu Dito kundi Ang masayang pagtulong sa kapwa kristiyano na dapat Masaya at di napipilitang kalooban Kaya nga ipinagmalaki ni Pablo ang mga Taga Macedonia kc dahil sa kanilang sinsirong pagtulong


    ReplyDelete
  15. Basahin mo Ang Lumamg tipan sa panahon ni Abraham pa lamang Ala pang israelita pero idinemonstrate na Niya Ang 10% giving Diba Ala pa noon Ang kautusan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po kautusan yan kundi pagppasya ni abraham at di lng si abraham mging si joshua ay nagbigay ng ikasampu na pangako niya pero yan ay hindi kautusan
      Pero kay moises ito ay ginawa ng kautusan na dapat sundin ng mga lahi ni israel
      Kay Kristo ay inabolish na ang kautusan dhil siya ang perfectong nakaganap nito hindi ang mga tao
      At bilang mga kristiano tayo naman ay taga sunod na ni Kristo
      At dahil tayo ay tagasunod ni Kristo tayo ay nakakaganap ng kautusan sa pamamagitan ni Kristo
      Kaya hindi na tayo sumusunod pa sa mga kautasan kundi kay Kristo at dahil sa pagsunod na yan kay Kristo nagaganap natin ang mga kautusan
      Hindi iniutos ni Kristo sa mga alagad o sa iglesia ang pasunod sa kautusan ng ikapu kundi ang ginagawa ng iglesia ay pag-aambagan para sa pagtulong sa mga kapatid o pangangailangan ng iglesia

      Delete
  16. kapatid kun mananatili tayo sa kautusan ni Moises ay di po tayo maaaring ganap sa kautusan ni Moises. basa po tayo Mga Gawa 13:39
    At sa pamamagitan niya ang bawa't nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito'y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.

    ReplyDelete
  17. wag nating siraan ang mga kapasturan isipin na lamang natin na iniwan nila ang kanilang sariling ambisyon at mga pangarap para sumunod at paglingkuran ng tapat ng walang anumang hinihinging kundisyon dahil mahal nila ang Diyos.
    Ako na bilang isa ring pastor na nangangasiwa ng isang simbahan, sa panhon ng pagbibigay ng mga meyembro ng ikapu sa mga banal na gawain ng Diyos ay hindi ako humahawak ni humihipo man lamang ng kanilang mga kaluob na mga ikapu, dahil alam ko na kapag ako ang nangasiwa sa mga ikapung ito ay maaaring masisira ako una sa Diyos at ikalawa sa meyembro ng simbahan at higit sa lahat ito ay pananagutan ko sa Diyos.
    Kaya para maiwasan ang mga ganitong sinaryo sa aming simbahan at para hindi mapagdudahan ang pastor ay mayroon kaming tinatawag na board member at isa na kasapi ng board member ang siyang nangangasiwa sa pananalapi at once Amount ay mayruon kaming tinatawag na financial report para alam ng lahat ng kasapi ng simbahan kung saan ginagamit at napupunta ang kanilang mga kaloob na ikapu, at ang layunin ng ganitong mga pamamaraan ay para maiwasan maling mga pagdududa sa kaisipan ng bawat isa at bawat meyembro o kaanib ng simbahan ng Diyos.
    Kaya't bilang pastor at alagad ng Diyos,bago tayo manghusga ng ating kapwa ay siyasatin muna natin ang ating mga sarili kung tayo bay walang kamaliang nagawa sa harapan ng Diyos,imbis na mamuna tayo sa iba pagtuunan na lamang natin ng pansin ang magaw at matupad natin ang kaluunan ng Diyos para sa ikalalawak ng Kanyang ministeryo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po sinisira yan kundi pinakikita ang katotohanan dhil khit ang mga pastor na yan ay tinuruan lng din ng mga nauna sa kanila na ganyan ang pinaniniwala

      Delete
  18. Malinaw na kahit si satanas gumagamit din ng bible verse para sirain ang pagsunod sa Panginoon. Halata pong hindi ka totoong Christian. Wag mong ibilang ang sarili mo bilang Christian Kung hindi ka naman sumusunod sa Diyos. Tama na paninira mo kasi hindi ka magtatagumpay. IN JESUS NAME! ikaw ata ang hindi nakakaintindi sa lahat ng mga bible verse na binigay mo rin. Alam mo, pagbulay bulayan mo yan araw at gabi at humingi ka ng karunongan sa Panginoon para maunawaan mo lahat ng bible verse na binigay mo. Ang pagbibigay ng ikapu hindi para sa tiyan at sa bulsa ni Pastor huh, kasi kung totoo yan di sana magpapastor na rin ako para easy money. Pero hindi! nakita ko ang sakripisyo ng Pastor ko, handang siyang mangaral ng salita ng Panginoon ng walang kapalit, dahil ang salita ng Panginoon ay libre. Yang ikapu naman, mahiya naman tayo hindi yan atin, ibabalik lang natin sa Panginoon yan, at yan ata ang hindi mo nauunawaan. Wala tayong pagmamay-ari kahit isa, at lahat ay sa Panginoon, kaya dapat lang na ibigay natin kay LORD yun. at yung ikapu na binibigay natin, ay para makatulong sa gawain KUNG CONCERN KA SA GAWAIN NG DIYOS! pero kung hindi, ayyy naiintindihan ko na kung bakit disagree ka sa ikapu. Mga taong gumagamit ng bible verse para lang hindi makapagbigay ng ikapu at makatulong sa gawain ng Diyos, naku magnanakaw yan! bakit? kasi pinagnanakawan mo ang Diyos, unang una, lahat ng meron ka hindi yan sayo, sa Diyos yan kaya natural ibabalik mo sa Panginoon sa pamamagitan ng ikapu, at syempre hindi naman ni Lord kailangan ng pera kasi mayaman na sya eh, nasa kanya na lahat, kaya ang ikapu na binibigay mo, ay para sa ikalalago ng church at para makakain ang lingkod ng Diyos. at pag hindi mo sinunod yun, malinaw magnanakaw ka nga kasi inaangkin mo ang pag mamay-ari ng Diyos.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ka tunay na kristiano kung sa kautusan ka sumusunod
      Ang tunay na kristiano ay kay Kristo sumusunod
      Dahil ang tunay na iglesia ay hindi nabubuhay sa kautusan

      Delete
  19. Ang mga verses na nasa 1 Corinto o sa buong bagong tipan patungkol sa "pagbbigay ng ayon sa pasya ng puso" ang konsepto po nyan ay AMBAGAN sa pagtulong sa mga kapatid sa iglesia hindi po yan ikapu, wag pong ikonek yan sa Malachi dhil yon po ang patunkol naman sa kautusan ng ikasampung bahagi ng mga israel, magkaiba po yan

    Sa lumang tipan ang ikapu ay isa sa mga kautusan sa israel
    Sa bagong tipan ay pag-aambagan ng mga iglesia para sa kanilang pangangailangan

    Iba ang calling o dealing ng Dios sa israel at sa iglesia

    ReplyDelete