Ipanuod niyo po ito sa mga anak sa UNTV 37 |
Ang taong may ganyang pananaw sa buhay ay malamang hindi naturuan ng tamang aral sa Biblia, pero papano ba dapat ang maging misyon ng mga magulang sa mga anak? Sapat na ba ang mabigyan sila ng edukasyon?...hanapin po natin ang sagot sa Banal na Kasulatan...basa po tayo:
Eph 6:4 At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.
Ayon sa talata ang mga anak dapat po pa lang turuan ng saway at aral ng Panginoon subalit paano natin matuturuan ang mga anak kung tayo ay wala ding alam sa saway at aral ng Panginoon. Kaya para magawa natin ito tayong mga magulang muna ang matuto kasi papaano natin sila matuturuan kung hindi natin alam ang ituturo. Sabi po ni Bro. Eli yan ang magbibigay sa magulang ng pananagutan na mag-aral ng saway at aral ng Panginoon kasi sa ating natutunan natin palalakihin ang ating mga anak.
Pro 22:6 Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.
Sa madaling salita mula sa pagkabata ay dapat ng ituro ng magulang ang aral ng Dios at hindi lamang yung laging nasa isip ay yung mapaaral lang sa eskwela at maipagtapos ng college ay sapat na. Natuto nga sa paaralan at naging dalubhasa sa karunungan pero salat naman sa pagkatuto sa aral ng Dios ay wala din pong saysay kasi pwede na maging ugat ng pagkaligaw na ikapapahamak ng kaluluwa ng ating mga anak. Dahil sa sobrang katalinuhan kasi minsan ay hindi na naniniwala sa Dios gaya na lamang ng mga scientists na naging atheist ang pinagmulan kasi natutunan nila sa school ang karunungang kinakalaban ang Dios halimbawa ay tinuturo nila ang Big Bang Theory na tutol sa creation na nakasaad sa Biblia at ang tao ay bunga lamang ng Evolution mula sa unggoy.
Hindi naman po masama na paaralin natin ang ating mga anak dahil obligasyon po ng mga magulang na sa abot ng makakaya ay maipagtapos ang anak pero bilang magulang gawin nating misyon na kaalinsabay nito ay dapat huwag nating kalimutan na ituro ang aral ng Panginoon para hindi maligaw ang ating mga anak.
Ako po ay OFW na nagtatrabaho para sa kinabukasan ng anak ko ginagawa ko naman minsan kapag kami ay nag-uusap sa skype ay tinturuan ko ang anak ko na maging mabuti masunurin, magalang at maging mabait na bata. Alam kong hindi sapat ito sa ngayon sapagkat nasa malayong bayan ako pero sana sa awa at tulong ng Dios ay maituro ko ng paunti-unti ang mga aral ng Dios sa Biblia na aking natutunan din naman sa aming Mangangaral na si Bro.Eli.
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment