Sunday, October 5, 2014

Ang Aral tungkol sa Buhok

Napansin nyo po ba na ang mga kababaihan sa MCGI o kilala sa tawag na ADD ( Ang Dating Daan)  ay may mahahabang buhok kasi dito po sa aming samahan ay  pinapatupad po ng buo ang aral na  nasa Biblia at ang isa po dito ay ang patungkol sa buhok.

At sa mga kalalakihan naman ay pinagbabawal na magpahaba ng buhok gaya ng nakikita natin sa mga nasa paligid natin lalo na pagtambay at pati na rin mga  artistang lalaki local o foreigner ilan sa kanila ay may mahahabang buhok.

Sa totoo lang kaawa-awa po  ang mga taong ito dahil  hindi natruan ng mga pari at pastor ng aral sa Biblia. Ang pagpapahaba ng buhok ng lalaki  ay hindi pinapahintulutan ng Biblia dahil ito ay mahalay...basa po tayo:

1Co 11:14  Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya?


Ang iba dahil ayaw sumunod ay nangangatwiran pa na bakit sa lumang tipan ay may mahaba ang buhok ng lalaki gaya ni Samson. Unang-una po ang utos sa Corinto ay utos sa panahon na ng Kristiyano at pangalawa ang mga nagpapahaba ng buhok sa lumang tipan ay ginagawa ng  nagpagpapanata o nazareo noong una na wala pa ang bagong tipan.

Num 6:5  Sa lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay walang pang-ahit na daraan sa ibabaw ng kaniyang ulo: hanggang sa matupad ang mga araw na kaniyang itinalaga sa Panginoon, ay magpapakabanal siya; kaniyang pababayaang humaba ang buhok ng kaniyang ulo.


Baka naman sabihin naman na wala pang gunting noong panahon kaya ang mga lalaki ay mahahaba ang buhok...mali po... meron ng gunting noon gawa pa nga sa ginto:


Exo 25:38  At ang magiging mga gunting at mga pinggan niyaon ay taganas na ginto.

Pero sa atin bilang kinikilala natin ang ating sarili na mga Kristiyano ay malinaw ang pagkasabi ni Apostol Pablo sa mga Christians sa Corinth na bawal po talaga ang long hair sa mga lalaki. Pero sa mga babaeng Kristiyana naman ang pagkakaroon ng mahabang buhok  ay isang kapurihan niya...ituloy po natin ang basa:

1Co 11:15  Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip.
Ito po ay distinguishing  factor ng babae at lalaki na naglilingkod sa Dios. Ayaw ng Dios ang lalaki ay mahaba ang  buhok at ang mga babae naman ay dapat mahaba ang buhok.

Ang mga babaeng tunay na sumusunod sa Dios ay walang  panahon na dapat magpaputol ng buhok dahil ito ay binigay ng Dios para sa kapurihan niya. Sa aming samahan tinuruan po kami ni Bro.Eli na sumunod sa Dios ng walang question...hindi na po kami tumatawad  pa dahil kinikilala naming pinakamataas na awtoridad ang Dios. Hindi na namin tinatanong gaya halimbawa ng:

Paano kung may split ends, hindi nyo pa rin gugupitin?...kung gusto po natin na makasunod sa utos ng Dios eh! di po nararapat na gumawa tayo ng paraan para huwag magkaroon ng split ends.

Paano kung humaba ng humaba, hindi pa rin gugupitan?  Hayaan  na lang na ang nature ang mag-pasya kung gaano ito kahaba...huwag natin isipin yung mga paraan na maging comportable tayo kundi kung paano natin mapalugod ang Dios sa pamamagitan ng pagsunod ng Kanyang utos. Kahit magmuka kaming katawa-tawa o kagalitan ng ibang tao ay ok lang po basta ang mahalaga ay OK  sa Dios kahit hindi OK sa tao.


Sa tunay na Iglesia ang mga kaanib ay hindi inugali ang makipagtunggali o mag-question sa utos ng Dios..kung bakit ganito o kung bakit ganyan. Ituloy po natin ang basa sa pagpapatunay:

1Co 11:16  Datapuwa't kung tila mapagtunggali ang sinoman, walang gayong ugali kami, ni ang iglesia man ng Dios.

Kung may takot po tayo sa Dios ay sumunod po tayo sa Kanya. Sa ibang post ay aalamin natin ang spirituwal na kahulugan kung bakit ang lalaki ay bawal magpahaba ng buhok at ang babae naman ay bawal ang maikli ang buhok ayon sa tinuro sa amin ng aming mangangaral na si Bro. Eli sa  tulong at awa ng Dios.

Salamat sa Dios!

14 comments:

  1. saan mababasa na bawal putulan?'di ba ang nakasulat mahaba?...'di naman sinabing sobrang haba...kapurihan talaga ng babae ang may mahabang buhok 'yun ang kalikasan eh...maganda talaga sa babae ang mahaba ang buhok,pero 'pag sobrang haba 'di na niya kapurihan,dugyot na...

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1 CORINTO 11:6
      6Sapagka't kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit naman; nguni't kung kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit, ay maglambong siya.

      Delete
    2. bakit nyo po binago ang talata?

      Delete
  2. Tama un may mahaba buhok ay kapurihan sa babae..Gaanu ba kahaba ang dapat?Sa panahon natin may mga salot sa ulo ng tao..un mga kuto, hygiene ay hindi maiiwasan yan pag sobrang haba ng buhok hanggang paa...how do you act normally on works? you cannot wash hair daily on hair so long...bakit itatali naman kung gagawin belo o balabal?un Hanggang bewang na buhok ba ay hindi pa mahaba sa babae? un hanggang paa ay delikado baka maaksidente masabit un buhok or mabigat na dala sa leeg mo manigas?Nasubukan na ba ng mga lalake mag wig ng hanggang paa para malaman nio pakiramdam ng mga kapatid na babae? may mali po yata sa mga katwiran ng ADD sa alam ko po ang Dios ay Fair at maunawain sa mga anak niya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan din po naisip ko parang sumobra naman ata ang pagkaunawa dito ng ADD

      Delete
  3. Ang sabi nga pagupitan kung walang lambong o belo eh..

    1 CORINTO 11:6
    6Sapagka't kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit naman; nguni't kung kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit, ay maglambong siya.

    Sinusunod nyo ba yan?

    ReplyDelete
  4. Papaano po kung napabayaan yung buhok at nagka buhol buhol na. Di na po masuklay kasi matted na po masyado? Ang magiging solusyon na lang po ay either ahitin or gupitin ang buhok. Seryoso po ako at nagtatalo kami ng kamag-anak ko na parang bahay na po ng ibon ang buhok nya sa pagkaka buhol. Ayaw nya po ipagupit at bawal nga daw po sa inyo.

    ReplyDelete
  5. naka lagay na man sa 1cor.11:13 sabi ni pablo kayo narin ang mag pasya sa buhok ninyo kung ano ang gusto ninyo...
    tama n man angbtao ay may kalayaan.. subalit lalagyan din natin ng wisdon ang pag intindi sa biblia.. mapapansin ninyo wala n mang nilagay kung hanggang saan taman ang buhok ng babae.. kung hangang puwitan ba ito or hanngang balikat.. at wala n man sinabi sa biblia na dapat parehareho kayo ng taas ng buhok sa babae.. sabi doon dapat may lambong o sa isang termino ..dapat may kakilanlan n babae nga siya sa nature n mas mahaba ang buhok niya kay sa babae.. siguro para sa akin hanggang sa parte ng suso na matakpan niya ito dahil bahagi parin ng katawan ng babae ang maselang part na iyon na dapat maikubli.. pero hindi n man sa punto na umabot hanngang sahig.. kaya dapat pag mag babasa ka ng banam n kasulatan lalagyan mo ng wisdom para di n man kahiya hiya..
    sample sa loob ng iglesha may room babaeng kalbo dun..tiyak ko halos lahat ng tao sa loob ng simbahan dun na nakatitig sa kalbo n babae.. pero pag may kalbo na lalaki sa simbahan ..wala lang hindin ito pansinin dahil nature n sa lalaki ang okey lang n kalbo..bakit? kasi nature n sa lalaki ang (mapanot)
    kaya un ang tawag n nature..
    sa huli...
    ikaw parin ang mag papasya ng buhay mo
    pero mas maganda talaga sa babae n mahaba ang buhok kumpara sa lalaki
    at dapat maikli ang buhokng lalaki kaysa babae.. pero hindi sinasabi sa biblia n dapat parepareho ang sukat ng buhok ng mga babae kung 25inch dapat masunod lahat ng babae sa eglisha ng 25 inch ..mali un at kung dapat b lahat naka tirentas lahat ng buhok ng babae sa eglisha ..malirin un..dahil para n yang kulto kasi di mo ng binigyan ng kalayaan ang tao n mag isip at mag karoon ng identification..sabi lng sa biblia ang babae dapat mahaba ang buhok dahil karangalan niya iyon para di mapag kumpara sa lalaki kasi ang lalaki ay dapat maikli ang buhok para di n man siyang mak mukhang babae at di kahiya hiya..hope basahin ninyo ang verse mula umpisa hangang dulo..at tiyak mauunawaan ninyo.thankz

    ReplyDelete
  6. Ang aral ng Dios ay mahaba ang buhok ng mga babae, OK lang mag putol basta bahaba parin.

    ReplyDelete
  7. Ang ibig sabihin ng LAMBONG ay mahabang buhok, hindi TELA. Kapurihan sa Dios sa babae ang may mahabang buhok, at kaurihan sa babae nanalangin meron lambong
    Basahin nu na lng sa Corinto 11:15

    ReplyDelete
  8. mahirap tlaga makapasuk sa kaharian ng langit

    ReplyDelete