Noong hindi pa ako kaanib sa tunay na Iglesiang nasa Biblia sinasabi ko na sa dami-dami ng relihiyon sa mundo bakit nag-aaway away sila at pinupuna ang mali ng isa't -isa.
Mayroong 33,000+ Christians denominations sa mundo at lahat ng mga yan ay nagki-claim na sila ang tama at iniisip ko bakit hindi na lamang igalang ang paniniwala ng iba..magkanya-kanya tayo..kung ayaw niyang maniwala ay di wag bahala siya. Manahimik na lang at huwag makialam sa paniniwala ng iba.
Pero ng matuto ako ng katwiran ng Biblia sa pamamagitan ng kinikilala kong sugo na si Bro.Eli ay naiba ang pananaw ko ukol dito. Ayon sa diwa ng Biblia mali po pala ang igalang ang mali...sabi nga po ni Bro. Eli "Kapag walang kokontra sa mali lahat ng tao maniniwala sa mali".

Marami pong mga taong nagagalit kay Bro. Eli dahil pinupuna ang kanilang mga maling pananampalataya pero sana maunawaan nila na ang ginagawa ng aming mangangaral ay utos na tungkulin na dapat gawin ng isang mangangaral ayon sa Biblia...basa po tayo:
2Ti 4:2 Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.
Ang tungkulin ng mangangaral ay ang magsuwata at magsaway ng mali kaya hindi po mali ang ginagawa ni Bro.Eli magalit man kayo sa kanya ay sasabihin niya ang pinapasabi ng aming kinikilalang Dios. Ang ginagawa po ni Bro. Eli ay pagmamahal niya sa kapwa tao at hindi para tayo ay ipahamak niya. Ansabi pa po ng Biblia ang mali ay dapat punahin, dapat sawayin at dapat pigilan, itakwil..basa po tayo:
Tit 3:10 Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo;
Sabi ng Dios ang taong may maling pananampalataya ay dapat sawayin at pagkatapos ng una at ikalawa na pagsaway pero ayaw pa rin magbago ay dapat ng itakwil.
Ang paraan ng pagsaway ay ginagamitan ng kabagsikan...basa po tayo:
Tit 1:13 Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito'y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangapakagaling sa pananampalataya,
Baka ma mali po ang pagkaunawa niyo sa 'kabagsikan' hindi po ito pagmamalupit kundi yung may katapangan, ang pananalita ay tumatama sa kinauukulan. Ang taong may maling pananampalataya ay dapat sawayin ng may kabagsikan upang gumaling sa pananampalataya.
Ginagamit po ni Bro.Eli ang Biblia na pansaway sa mali kaya nga po lagi niyang sinasamahan ng sitas hango sa Bibla para patunayan ang kanyang sinasabi dahil ang mga kasulatan ang kinasiyahan ng Dios para tayo ay sawayin sa ating mga mali ng matuto sa katwiran...basa po tayo:
2Ti_3:16 Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:
Yan po ang kalooban ng Dios dahil gusto niya ang lahat ng mga tao ay mangaligtas pero kung ayaw ng tao ay bahala na po siya ang mahalaga ay nagampanan natin na sabihin ang mali para ito ay maitama.

1Ti_2:4 Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan.
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment