Pages

Wednesday, October 29, 2014

Kahulugan ng Ang Dating Daan


Sa mga hindi members ng aming samahang kinaaniban maaring maitanong nila kung saan ba galing ang ANG DATING DAAN, saan ba kinuha ang diwang kahulugan nito.

Sa Tulong at Awa ng Panginoon ay ibabahagi ko sa inyo ang kahulugan na tinuro sa amin ng aming Mangangaral na si Bro. Eli  na galing sa Biblia.


 Ang ANGD DATING DAAN po ayon sa Biblia ay kapayapaan, kabutihan, kaligtasan, kagandahan loob. Ito po ay galing sa Dios...basa po tayo:

Jer 6:16  Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at kayo'y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa: nguni't kanilang sinabi, Hindi kami magsisilakad doon.

Ang ating Dios po mismo ang nagsabi niyan na ipagtanong ang mga dating landas kung saan nanduon ang mabuting daan at makakasumpong tayo ng kapahingahan ng ating kaluluwa ibig sabihin nanduon po ang ating kaligtasan. Kaya sinabi po ng Dios na ipagtanong ang mga dating landas kung saan nandoon ang mabuting daan kasi maraming tao na nagsiliko sa kanilang sariling daan at nagkaligaw-ligaw na...basa po tayo:

Mal 3:7  Mula nang mga kaarawan ng inyong mga magulang kayo'y nangagpakaligaw sa aking mga tuntunin, at hindi ninyo tinalima. Manumbalik kayo sa akin, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Nguni't inyong sinasabi, Sa ano kami manunumbalik?

Sabi po sa talata mula pa noon ang tao ay hindi nagsitalima sa Dios, sila ay naligaw lumakad sa  maraming daan, ang tawag ng Biblia nga po ay mga tupang nangaligaw kasi naligaw sa daan ng Panginoon. Mayroong daan na dapat na daanan ang tao kaya iniutos ng Dios na tumayo sa mga daan at ipagtanong ang mga dating landas kung saan nadoon ang mabuting daan.

Ang  daan na inihanda ng Dios ay ang mabubuting gawa na dapat nating lakaran sa araw-araw...basa po tayo


Eph 2:10  Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

Ang mabubuting gawa na inihanda ng Dios ay ang mga aral, mga batas, palatuntunan, mga kautusan, mga kalooban ng Dios na tinuturo  sa loob ng Iglesia ng Dios sa Biblia...na iniaral ng mga apostol gaya ni St.Paul :

                             
1Co 12:31
 
Datapuwa't maningas ninyong nasain, ang lalong dakilang mga kaloob. At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan.

Ang  Daan na tinutukoy  ay  hindi  literal na daan kundi spiritual na  daan na ang kahulugan nga po ay mga salita ng Dios na dapat doon tayo magsilakad, mga mabubuting gawa na inihanda noon pa, mga dating aral, dating katwiran, dating Iglesia  na pinagusig ni St. Paul ng hindi pa siya Kristiyano:


Act 22:4  At aking pinagusig ang Daang ito hanggang sa mamatay, na tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan ang mga lalake at gayon din ang mga babae.
Ang Daan na  tinutukoy ni St. Paul ng siya ay kabilang pa sa relihiyong ng mga Hudyo ay ang Iglesia ng Dios..basa po tayo: 

Gal 1:13  Sapagka't inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios:


Maraming daan kasi ang pinauso ngayon ng mga tao at alam niyo ba kung sino ang nag-imbento ng mga bagong daan na ito...basa po tayo:

Isa_56:11  Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang.

                                                  Pastor makes congregation drinks petrol

Yan po mga pastor na hindi nakakaunawa ang tawag po  ng ating  Dios ay mga aso na matatakaw at  walang kabusugan..hindi nakukuntento na nagsiliko sa kanilang sariling daan.
Mayroon na kasing Daan, ang dating landas na kung saan nadoon ang mabuting daan. Pero ang mga pastor na ito na walang pagkaalam sa katuwiran ng Dios ay gumawa ng sariling kanila:

Rom 10:3  Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.

Ayaw po nilang magpasakop sa katuwiran ng Dios gusto nila yung sarili nilang katuwiran ang masunod , imbentong mga pamamaraan  ang pinapangaral sa tao na walang batayan sa Biblia...minsan ang ibang mga pastor inutusan kumain ng damo ang kanyang mga member, pinapainom ng gasolina, nagpapatuklaw pa sa mga ahas.

                                  Pastor tells congregation to eat grass to be closer t God.

Ayaw po ng Dios ang mga bagong daan na tayo ng tao ang gusto po ng ating Dios ay ang dati..basa po tayo:

Isa 43:9  Mapisan ang lahat na bansa, at magpulong ang mga bayan: sino sa gitna nila ang makapagpapahayag nito, at makapagpapakita sa amin ng mga dating bagay? dalhin nila ang kanilang mga saksi, upang sila'y mapatotohanan: o dinggin nila, at magsabi, Katotohanan nga.

Saan ba makikita ang mga dating bagay ? Nasa Biblia po...ang gagawin lang po natin ay magbasa at magsuri po tayo, magtanong sa nakakaunawang Mangangaral. Malinaw na po sa inyo kung ano ang diwang kahulugan ng ANG DATING DAAN  ito ay ang mabubuting gawa, salita ng Dios, mga batas, aral,  katwiran , palatuntunan ng Dios, ang Iglesia ng Dios  na siyang dapat nating lakaran.

Salamat sa Dios!







No comments:

Post a Comment