Sa mga hindi kaanib sa aming samahan napagkakamalan ng karamihang tao na ang ANG DATING DAAN ay pangalan ng isang relihiyon o sekta na pinamumunuan ni Bro. Eli at nababasa kasi nila sa mga karatula ng coordinating center namin kaya inakala nila yun ang ngalan ng relihiyon namin. Ang dahilan po kaya yan ang nakalagay at hindi ang MCGI kasi ang ANG DATING DAAN ay kilala na ng tao na napapaunod at napapakingan nila pero hindi po yun ang pangalan ng relihyon kundi yun ay programa at pagnagtanong sila sa Ang Dating Daan ay malalaman nila na ang nasa loob nito ay ang Iglesia ng Dios na aming kinaniban. Actually po mapapansin naman ang logo ng aming kinaanib sa tabi ng pangalang ANG DATING DAAN.
Sa programang ito ay sinasagot ng aming Mangangaral ang lahat ng katanunangan ng ating mga kababayan na may kinalaman sa pananampalataya. Walang ibang pastor na nagsasalita o sumasagot na kagaya ni Bro. Eli na deretsahan at prangkahan. Kasi maraming mga pastor ngayon para mahikayat ang mga tao ay hindi nagsasalita ng makakasakit ng damdamin umiiwas sila na makapagbitaw ng hindi magugustuhan ng tao baka tumalikod at hindi na umanib.
Hindi po ganun si Bro.Eli para sa kanya basta naghahanap ka ng katotohanan at gusto mo makinig ng totoo ay sasabihin niya ang totoo masaktan ka man o hindi ay wala siyang pakialam. Ganun po kasi ang ating Panginon Jesus ng nangangaral Siya maraming galit sa kanya na mga Priseo at Eskriba dahil inaatake ang kanilang relihiyon. Ganun din po si St. Paul sasabihin ang totoo kahit hindi malugod sa kanya ang mga tao...basa po tayo:
Gal_1:10 Sapagka't ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo.
Para malaman niyo po ang kahulugan ng ang ANG DATING DAAN sa Biblia ay click nyo po ito: Kahulugan ng Ang Dating Daan
Ang Dating Daan's (The Old Path) Humble Beginnings
Sa programang ito ay sinasagot ng aming Mangangaral ang lahat ng katanunangan ng ating mga kababayan na may kinalaman sa pananampalataya. Walang ibang pastor na nagsasalita o sumasagot na kagaya ni Bro. Eli na deretsahan at prangkahan. Kasi maraming mga pastor ngayon para mahikayat ang mga tao ay hindi nagsasalita ng makakasakit ng damdamin umiiwas sila na makapagbitaw ng hindi magugustuhan ng tao baka tumalikod at hindi na umanib.
Hindi po ganun si Bro.Eli para sa kanya basta naghahanap ka ng katotohanan at gusto mo makinig ng totoo ay sasabihin niya ang totoo masaktan ka man o hindi ay wala siyang pakialam. Ganun po kasi ang ating Panginon Jesus ng nangangaral Siya maraming galit sa kanya na mga Priseo at Eskriba dahil inaatake ang kanilang relihiyon. Ganun din po si St. Paul sasabihin ang totoo kahit hindi malugod sa kanya ang mga tao...basa po tayo:
Gal_1:10 Sapagka't ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo.
Para malaman niyo po ang kahulugan ng ang ANG DATING DAAN sa Biblia ay click nyo po ito: Kahulugan ng Ang Dating Daan
Ang layunin ng programa ay ipangaral ang Salita ng Dios upang ibalik ang mga tao sa dating landas o daan na gusto ng Dios na ating lakaran.
Jer 6:16 Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at kayo'y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa: nguni't kanilang sinabi, Hindi kami magsisilakad doon.
Marami kasing bagong daan ang ginawa ng tao kaya gusto ng Dios doon tayo bumalik sa
dati...halimbawa sa pananamit ang gusto ng Dios ang dati:
1Ti 2:9 Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;
Ang nagpaligaw sa mga tao sa daan na dapat niyang lakaran ay pag-imbento ng mga aral na labag sa katwiran ng Dios. Ang halimbawa na iniwan na ng tao ang mga dating aral ay gaya na lamang ang pag-gawa mga bagong pausong damit, mga sexy, labas kalahati ng dibdib, labas ang hita, labas ang pusod at iba pang mga mahalay.....gaya ng sinasabi sa aklat ni Propeta Jeremias:
Jer 4:30 At ikaw, pagka ikaw ay napahamak, anong iyong gagawin? Bagaman ikaw ay nananamit ng mainam na damit na mapula; bagaman ikaw ay gumagayak ng mga kagayakang ginto, bagaman iyong pinalalaki ang iyong mga mata ng pinta, sa walang kabuluhan nagpapakaganda ka; hinahamak ka ng mga mangingibig sa iyo, pinagsisikapan nila ang iyong buhay.
Ganyan po ngayon ang mundo kahit noon sa panahon ni Propeta Jeremias nauso na ang pagpipinta ng mukha o sa ating panahon ay make-up, mga makikinang na damit, mga alahas na para sa Dios ang ganitong pagpapaganda ay wala pong kabuluhan. Ang hinahanap po ng ating Dios ay ang dating aral para sa babae na gumayak ng mahinhing damit , mabuti ang pag-uugali ( 1 Timoteo 2:9).
At dahil po jan sa pagkaligaw ng tao sa daan ng Panginoon ay inibig nila ang sanlibutan ang resulta ay lumaganap sa mundo ang masamang pita at kapalaluan sa buhay...basa po tayo:
1Jn 2:15 Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.
1Jn 2:16 Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.
Kung Kristiyano ka tatalikuran mo ang lahat ng gawang iyan dahil ito ay pang-sanlibutan..
Joh 15:19 Kung kayo'y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan.
Joh 15:20 Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo'y aking sinabi, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung ako'y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din; kung tinupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din.
Para matuklasan niyo pa po ang mga aral ng Dios ay ipagtanong po niyo ang ANG DATING DAAN, inaanyayahan ko po kayo na manuod sa aming programa sa television sa UNTV 37 at makinig sa UNTV LA VERDAD RADIO 1350khz at bisitahin ang aming link na naka post sa blog na ito.
http://angdatingdaan.org/about-angdatingdaan/
Ang Programang Ang Dating Daan
Makalipas
ang 14 na taong pagpapalaganap ng Evangelio ng Dios sa pagbabayan-bayan,
dinala ni Bro. Eli Soriano ang mga aral ng Dios sa mas maraming mga
tao, sa pamamagitan ng mas mabilis na behikulo – ang mass media.
Ang Programa
Ang programang Ang Dating Daan ay
tinaguriang longest-airing Philippine religious program sa radyo’t
telebisyon. Ang award-winning host ng programa ay si Bro. Eli Soriano, na siyang Presiding Minister sa Members Church of God International (MCGI).
Program History
Sa pamamahayag ng Banal na Kasulatan,
nakarating sa maraming lugar sa Pilipinas si Bro. Eli Soriano, na ang
mayor parte nito ay sa hilagang parte ng bansa upang magsagawa ng mga
Bible studies. Sa kaniyang pagbayan-bayan, maraming tao ang nakakilala
ng katotohanan sa Biblia at nagpabautismo sa samahan. Bagama’t walang
humpay sa pagganap ng tungkulin ng pangangaral sa iba’t ibang lugar,
paglipas ng panahon ay naunawaan ni Bro. Eli na wala pang one-eight ng
populasyon ng bansa ang naabot ng kaniyang pangangaral. Kung kaya ninasa
niyang iparating sa mas maraming tao ang salita ng Dios sa pamamagitan
ng pangmalawakang brodkast sa radyo, telebisyon, satellite, at Internet.
Serbisyong Pampubliko
Maliban sa pagpapalaganap ng salita ng Dios, ang grupong Ang Dating Daan ay nananatiling isa sa mga masugid na tagasuporta ng charities
at mga proyektong social services ng maraming mga organisasyon at
foundation sa buong Pilipinas. Mayor parte ng mga proyekto ng grupo ay
nailulunsad at nakapagpapatuloy sa pagtutulungan ng mga kaanib sa Church
of God International kahit walang direktong tulong na nakakamit sa mga
ahensiya ng pamahalaan at mga pribadong sektor. Hindi balakid ang mga
limitasyong pangpinansiyal upang maipagpatuloy ang libreng mga
serbisyong pinasimulan ng grupo, tulad ng libreng kolehiyo, klinika, law
center, at marami pang iba.
Salamat sa Dios!
Salamat sa Dios!
No comments:
Post a Comment