Pages

Monday, November 17, 2014

Once Saves Always Saved, Totoo ba?

Kung kaanib  ka sa sektang Baptists ay siguradong alam mo ang doktrinang tinatawag na OSAS o Once Saved Always Saved pero sa mga hindi pa pamilyar sa teachings na ito ang ibig sabihin ayon sa kanila kapag tinanggap muna ang kanilang kinikilalang Cristo bilang tagapagligtas ay forever saved kana ,kahit anong gawin mong kasalanan halimbawa magnakaw, makapatay o di kaya maka-rape ay hindi mo  pa rin maiwawala ang iyong kaligtasan. Kaya ko po nasabing Cristo nila kasi ang tunay na Cristo na nasa Biblia ay hindi nangaral ng ganitong katuruan.

Masasabi ko po na napaka-garapal ng ganyang aral imagine kahit anong gawin mo kahit gawang masama ay ligtas pa rin, hindi nakakapagtataka na ang mga taong naniniwala sa ganito ay mga  walang takot na gumawa ng kasamaan kasi paniwala nila ligtas pa rin sila. Hindi po totoo ang doktrinang ito dahil ayon sa Biblia kahit pa nasumpungan mo na ang ating Panginoong Hesus kung hindi naman nag-iingat sa paggawa ng kabutihan ay mapapahamak pa rin...basa po tayo:

2Co 13:5  Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y itinakuwil na.



Nabasa nyo po pinapasiyasat kung tayo ay nasa pananampalataya at pinapasubok pa ang ating sarili kasi may possibility na kahit ang Panginoon ay nasa atin na ay pwede pa rin tayong itakuwil kapag hindi tayo nag-ingat. Katunayan si Apostol Pablo sinabi niya ang ganito:


1Co 9:27  Nguni't hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil.

Si Apostol Pablo na po yan isang pinagkatiwalaang Apostol ng ating Panginoon sabi niya  hinahampas at sinusupil niya ang kaniyang katawan kasi pagka ika pagkapagaral niya sa iba siya rin ay maaring itakuwil din...may possibility kasi pag nag-abuso tayo ay  pwede tayong itakuwil ng Dios...basa po tayo:



1Ch 28:9  At ikaw, Salomon na aking anak, kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man.



Ayon sa talata kung hahanapin natin  ang Panginoon ay atin siyang masususmpungan ngunit  kapag pinabayaan mo ang Panginoon itatakuwil ka niya magpakailanman. Kaya labag po sa Biblia yang doktrina ng OSAS kasi may pagtatakuwil na gagawin ang Dios sa mga taong hindi nag-ingat sa pananampalataya at tumalikod sa Kanya.  Katunayan kapag pinabayaan mo ang Panginoon  kahit nakakilala kana ay imposible ka ng  maligtas kung tinalikuran mo na  siya..basa po tayo:

Heb 6:4  Sapagka't tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo,
Heb 6:5  At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating,
Heb 6:6  At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.


Sa talatang yan pa lang giba na ang aral ng mga Baptists na OSAS, ulitin natin ang sabi po yang mga taong yan ay naliwanagan na, nakalasap na ng kaloob ng kalangitan, nakabahagi ng Holy Spirit , nakalasap ng mabuting salita ng Dios at mga kapangyarihan ng panahong darating pero nagawa pa rin nilang nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin pa ng pagsisisi.

Wala na sa kanila ang kaligtasan pag-ganun ang gagawin nila. Pinapakita lamang na kahit nakakilala ka sa Panginoong Hesus ay hindi na ngangahulugan na pwede na nating gawin kahit ano at forever saved pa rin gaya ng paniwala ng mga Baptists sapagkat kapag hindi tayo nag-ingat, hindi nanatili sa pagtupad at tinalikuran natin ang aral na ating nakilala ay para tayong aso na bumalik sa suka pag ganun gaya ng sabi ni Apostol Pablo...basa po tayo:


2Pe 2:20  Sapagka't kung, pagkatapos na sila'y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una.
2Pe 2:21  Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.
2Pe 2:22  Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, Nagbabalik na muli ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.

Maliwanag na maliwanag na kapag ang tao ay tumalikod sa  aral na nakilala niya ay para siyang  aso na bumalik sa kanyang suka at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan. Marami talagang naloko ang aral ng OSAS na yan ng mga Baptists hanggang ngayon nananatili sila sa ganyang katuruan.

Salamat sa Dios dahil sa aming Mangangaral na patuloy na nagbu-bulgar ng mga maling aral ng iba't-ibang relihiyon. Sa isang  paksa ay isa-isahin natin yung mga ginagamit na talata ng mga pastor na Bapstist na kanila daw ebidensiya na ang ONCE SAVED ALWAYS SAVED ay Biblical. Naalala ko po  kasi yung video kung saan ang Baptists at Bornagain ay nakipag-debate kay Bro. Eli tungkol jan sa doktrinang OSAS, ibabahagi ko po yan sa inyo sa susunod.

Salamat sa Dios!

No comments:

Post a Comment