Friday, January 16, 2015

May Original Sin ba ang Sanggol?


Ang Catholics at ang ibang  Protestant sects especially mga Bornagain ay nagkakaisa sa doktrinang Original Sin na namamana daw ng mga sanggol mula sa unang taong si Adan at Eba kaya ang deduction nila ang mga sanggol ay sinners mula pa sa sinapupunan ng ina.

Totoo bang may namamana ang kasalanan?



Eze 18:20  Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.

Hindi pala namamana ang kasalanan ng magulang, hindi po pwede  halimbawa gumawa ng krimen ang magulang ang anak ang ikukulong...kahit sa batas ng tao kung sino ang gumawa ng krimen siya lamang ang mananagot sa batas..hindi damay ang anak sa kasamaan ng ama o ang anak sa kasamaan ng Ama. Kanya kanya po tayo ng kasalanan kanya-kanya ding katuwiran.

Ang namamana po sa magulang ay ito po:


Pro_19:14  Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon.


Balik tayo...ang sanggol o batang walang muwang sila ba ay pwedeng atangan na makasalanan? Ayon sa Biblia ang makasalanan po ay yung gumagawa ng kasalanan..basahin natin kung ano ba ang kahulugan ng kasalanan sa Biblia?


1Jn 3:4  Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan.



Ang kasalanan po pala ay disobedience of the law  ibig sabihin pagsinalangsang ng tao ang kautusan yun ay ibibilang na kasalanan sa kanya. Ang sanggol sa tiyan o  kahit bata na  anim na taon o pito wala naman pong nilalabag na kautusan kaya  paano nagkaroon ng kasalanan yun..ang kasalanan ay paglabag  paano lalabag sa kautusan ang sanggol na nasa tiyan? Kaya hindi po pwede na husgahan natin ang mga sanggol na sinners gaya ng paratang ng mga Bornagain sects kasi ang mga sanggol o mga batang walang muwang ay wala pang malay sa katuwiran:

Heb 5:13  Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol.


Ang Dios po natin ay hustisya hindi niya binibilang na kasalanan sa tao kapag hindi  alam ang Kanyang katuwiran hindi gaya ng batas ng tao na IGNORANT OF THE LAW EXCUSE NO ONE alam man o hindi ng tao ang batas kapag nalabag ay huhulihin at hahatulan. Ang mga special child o yung mga tinatawag na mongoloid o di kaya ay retarded person..kung sila ba ay mamatay mapupunta ba  sa impierno dahil sa sila ay may kasalanan na? Hindi po.  Injustice po yan, hindi ganun ang ating Dakilang Dios..sila ay sa langit po.

Ang sanggol at mga batang walang alam sa katuwiran ng Dios ay wala pong original sin o kasalanan dahil wala pa siyang ginagawang mali sa harapan ng Dios at sila pagnamatay sa ganung estado ay sa langit na ang kanilang patutunguhan.



Mat 19:14  Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't sa mga ganito ang kaharian ng langit.

Ang aral pa nga ng ating Panginoon na kung gusto natin magsipasok sa Langit ay tumulad tayo sa mga batang maliit..meaning taglayin natin yung puso ng mga bata na malinis hindi pa nakakilala ng kasalanan.

Mat_18:3  At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.


Sana magbukas tayo ng ating kaisipan at lawakan ang pag-aaral ng salita ng Dios na huwag umasa sa pagtuturo ng mga mangangaral...suriin natin ang sinasabi kung ito ay may batayan sa Biblia.


Salamat sa Dios!

6 comments:

  1. Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan;
    At sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina, Awit 51:5

    Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao (si ADAN) ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng LAHAT ng mga tao, sapagka't ang LAHAT ay nangagkasala: Mga Taga-Roma 5:12

    At lahat naman po tau ay nagmula kay Adan.

    At ang kasalanan ay nagbunga ng Kamatayan.

    Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; Mga Taga-Roma 6:23

    Walang kamatayan ang tao noon, ngunit sa isang pagsuway ni Adan. Ay nagkaroon na ng kamatayan. Bakit namamatay ang Sanggol, kahit hindi pa siya nakagawa ng Aktuwal na kasalanan? Yan ay dahil sa kasalanan ni Adan na namana natin.

    pero may isang higit kay Adan.
    Si Jesus. Yan na po ang Magandang Balita.

    18Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating sa lahat ng mga tao sa ikaaaring-ganap ng buhay. 19Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao (Si Adan) ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa (Si Jesus) ang marami ay magiging mga matuwid. 20At bukod sa rito ay pumasok ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa't kung saan nanagana ang kasalanan, ay nanaganang lubha ang biyaya: 21Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni JESUCRISTO na Panginoon natin. Mga Taga Roma 5:18-23


    At kung tayong lahat ay nagmula kay Adan. Tayong lahat ay anak ng kapootan, mga rebelde at likas na umaayaw sa Diyos, napopoot sa Diyos.

    Pero Salamat sa Diyos, dahil sa kanyang Awa at Habag, ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak na si Jesus, para ipinadanak ang kanyang DUGO. Doon sa krus ng kalbaryo. John 3:16, Hebreo 9:22.


    Huwag lang po tayong magFocus sa mga Sanggol. Isipin po natin ang ating mga sarili sa harapan ng Panginoon.

    Aminin natin at pagsisihan ang ating mga kasalanan sa Diyos. Lumapit tayo at magtiwala kay Jesus. Magtiwala tayo sa kanyang Dugo na ipinambayad Niya para sa mga Kasalanan.

    Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios. 1 Corinto 5:21























    Ang binabanggit ng Biblia, ay ang bawat tao ay nagkasala. Likas na umaayaw at napopoot sa Diyos.





    ReplyDelete

  2. Maling salin ata ang ginamit mo ah?sa saling ito pansinin mo ah,ang sabi AT SA KASALANAN AY IPINAGLIHI AKO NG AKING INA??
    Awit 51:5 ang dating biblia

    5Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,

    SA ENGLISH.

    Psalm51:5

    King James Bible
    Behold, I was shapen in iniquity; and in sin did my mother conceive me.

    AND IN SIN DID MAY MOTHER?ipinaglihi sa kasalanan,means dahil sa ginawa ng kanyang ina...bakit tayo nakatitiyak na walang kasalanan c david???
    Mga jw basa

    Mga Awit 86:2 TLAB
    Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y banal: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.

    Angliwanag sabi nya akoy banal..

    ReplyDelete
  3. Kasi kung tamang salin yan,ito ang minamali mo?kaya matibay ang pananampalataya naming mga inc na tama,walang original sin..bunga lang yan ng kamangmangan ng katoliko.

    Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; ..." --- ( Jeremias 1:4-5 )

    ReplyDelete
  4. Kasi kung tamang salin yan,ito ang minamali mo?kaya matibay ang pananampalataya naming mga inc na tama,walang original sin..bunga lang yan ng kamangmangan ng katoliko.

    Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; ..." --- ( Jeremias 1:4-5 )

    ReplyDelete
  5. Totoo po iyan na hindi naman talaga namamana ang kasalanan, nasa tao yan kung gagawa siya ng kasalanan.
    Eze 18:20

    ReplyDelete